80 anyos na lolo, arestado sa kasong rape

0
175

Siniloan, Laguna. Arestado ang isang 80 taong gulang na Lolo na matagal ng pinaghahanap ng batas sa mga kaso ng panghahalay at act of lasciviousness sa isang manhunt operations kamakalawa sa Brgy.y Magsaysay, bayang ito. 

Kinilala ni PLtCol. Cecilio Ison Jr., direktor ng Laguna Provincial Office, ang suspect na si Vergilio Serrano, 80 anyos na residente ng nabanggit na barangay.

Nadakip si Serrano sa pinagsamang pwersa ng Los Baños Municipal Police Station, 2nd LPMFC, RSOU 4A at Siniloan Police Force sa bisa ng isang warrant of arrest na inisyu ng tanggapan ni Presiding Judge Caesar Buenagua ng RTC Branch 37 ng Calamba City.

Ayon sa rekord ng pulisya si Serrano ay may pending warrant of arrest sa kasong rape at act of lasciviousness.

Nakakulong sa piitan ng Los Banos police custodial facility ang suspect at nakatakdang humarap sa kasong isinampa laban sa kanya.

Author profile
Arman B. Cambe

Si Arman B. Cambe ay naging ABS-CBN news correspondent noong 1987-1989. Naging provincial correspondent ng Headline news, isang national daily tabloid at 10 taong naging Laguna broadcast correspondent ng Radio Veritas. Contributor din siya sa loob ng 5 taon sa Peoples Journal group of companies. Naging Professor ng Journalism at Broadcasting ng 15 taon sa Laguna State Polytechnic University, Sta. Cruz Campus at 5 taon na naging Teacher exchange scholar sa Don Bosco at St. Dominic Institute sa Bangkok, Thailand.