1 patay, 2 sugatan sa tama ng kidlat sa Cavite

0
371

Trece Martires City, Cavite. Dead on the spot ang isang 36 anyos na lalaki samantalang malubhang nasugatan ang dalawa niyang kaibigan matapos silang tamaan sila ng kidlat habang nagkukuwentuhan sa isang tindahan sa Brgy. San Agustin sa lungsod na ito kahapon.

Ayon sa report ng Trece Martires Municipal Disaster Risk Reduction Management office, ang biktima ay kinilalang si Edrin Musa, may ari ng tindahan kung saan naganap ang trahedya.

Kinilala naman ang dalawa pang biktima na sina Mark Arjay Layno, 26 anyos at nakilala lamang sa pangalangRenold, pawang mga residente ng nabanggit na lugar.

Batay sa pahayag ni Irene, asawa ng nasawi, malakas umano ang buhos ng ulan at panay ang putok ng kidlat kaya nagkubli ang tatlong biktima sa kanilang tindahan.

Patuloy ang kwentuhan ng tatlo ng biglang isang malakas na putok kidlat ang tumama sa tindahan na ikinabuwal ng mga biktima.

Agad sumaklolo ang mga netizens sa mga biktima subalit binawian agad ng buhay si Musa dahil sa matinding tama ng kidlat sa likod nito. Naisugod naman sa ospital sina Layno at kasama nito.

Kaugnay nito, nanawagan si Mayor Gemma Lubigan ng Trece Martires na ibayong mag ingat sa tuwing may thunderstorms sa hapon at gabi.

Author profile
Arman B. Cambe

Si Arman B. Cambe ay naging ABS-CBN news correspondent noong 1987-1989. Naging provincial correspondent ng Headline news, isang national daily tabloid at 10 taong naging Laguna broadcast correspondent ng Radio Veritas. Contributor din siya sa loob ng 5 taon sa Peoples Journal group of companies. Naging Professor ng Journalism at Broadcasting ng 15 taon sa Laguna State Polytechnic University, Sta. Cruz Campus at 5 taon na naging Teacher exchange scholar sa Don Bosco at St. Dominic Institute sa Bangkok, Thailand.