Lalaki, pinatay ang live-in partner at lover

0
402

Balayan, Batangas. Dead on arrival sa pagamutan ang isang 36 anyos na babae matapos pagsasaksakin ng kanyang live-in partner dahil sa selos sa Brgy. San Piro, bayang ito kagabi.

Patay din sa tatlong saksak sa dibdib ang diumano ay lover ng biktima na pinagseselosan ng suspek.

Kinilala ng pulisya ang mga biktima na sina Analyn Alico at Edison Nucup, 35 anyos, tubong Pampanga at residente ng nabanggit na lugar.

Kinilala naman ang suspek na si Remigio Doble, 38 anyos na live- in partner ni Analyn.

Ayon sa salaysay ni PMajor Antonio Nogoy Jr. Chief of police ng Balayan Municipal Police Station, matagal ng naghihinala ang suspek na may itinatagong relasyon ang dalawang biktima.

Ayon pa kay Nogoy, lalo pang nagduda si Doble ng makita nitong nag uusap sina Alico at Nucup noong Huwebes ng hapon.

Ayon naman sa mga nakasaksi sa krimen, umuwing lasing si Doble bandang ala singko ng hapon at  narinig na nag away ang mag live-in partner.

Makaraan ang ilang minuto narinig ng mga kapitbahay ang sigaw at paghingi ng tulong ng mga biktima.

Isinugod pa sina Alico at Nucup sa pagamutan subalit dead on arrival ang mga ito sa emergency room.

Agad namang nadakip ng mga pulis Doble at nakuha rin sa kanya ang patalim na ginamit sa pagpatay.

Author profile
Arman B. Cambe

Si Arman B. Cambe ay naging ABS-CBN news correspondent noong 1987-1989. Naging provincial correspondent ng Headline news, isang national daily tabloid at 10 taong naging Laguna broadcast correspondent ng Radio Veritas. Contributor din siya sa loob ng 5 taon sa Peoples Journal group of companies. Naging Professor ng Journalism at Broadcasting ng 15 taon sa Laguna State Polytechnic University, Sta. Cruz Campus at 5 taon na naging Teacher exchange scholar sa Don Bosco at St. Dominic Institute sa Bangkok, Thailand.