Dating pulis patay sa baril

0
242

Tayabas City, Quezon. Dead on the spot ang isang dating pulis matapos pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang suspect kamakalawa ng umaga sa Brgy. San Isidro sa lungsod na ito. 

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Kim Labado, 32 anyos na dating pulis at residente ng nabanggit na barangay.

Ayon sa pahayag ng investigation unit ng Tayabas City Police Station, niyaya ni Labado ang kanyang mga kaibigan na maglaro ng basketball sa covered court ng barangay at pagkatapos ng dalawang round ay nag inuman ang tropa sa isang tindahan na malapit sa barangay hall.

Batay sa salaysay ng isang witness, masayang nagkukuwentuhan ang grupo ng lumapit ang  isang lalaking nakasuot ng itim na maong at T shirt. Bumunot ng baril ang lalaki at sunod sunod na pinaputukan ang biktima.

Agad na rumesponde ang mga pulis sa pinangyarihan ng pamamaril subalit mabilis na nakatakas ang salarin.

Inaalam pa ng pulisya ang motibo sa pagpatay.

Author profile
Arman B. Cambe

Si Arman B. Cambe ay naging ABS-CBN news correspondent noong 1987-1989. Naging provincial correspondent ng Headline news, isang national daily tabloid at 10 taong naging Laguna broadcast correspondent ng Radio Veritas. Contributor din siya sa loob ng 5 taon sa Peoples Journal group of companies. Naging Professor ng Journalism at Broadcasting ng 15 taon sa Laguna State Polytechnic University, Sta. Cruz Campus at 5 taon na naging Teacher exchange scholar sa Don Bosco at St. Dominic Institute sa Bangkok, Thailand.