2 fish pond worker nakuryente, patay

0
460

Lemery, Batangas. Patay ang dalawang fishpond worker matapos makuryente ang mga ito habang naglilinis ng fishpond sa Brgy. Nonong Casto ng bayang ito, noong Lunes ng hapon.

Kinilala ng Lemery Municipal Police Station ang mga biktima na sina Mark Anthony Bethel, 22 anyos na residente ng nabanggit na barangay at Renante Batchar, 41 anyos na tubong Brgy. Talotu-an, Concepcion, Iloilo.

Baatay sa paunang imbestigasyon, naglilinis ng fishpond ang dalawang biktima ng matapakan nila ang live wire ng submersible pump. Agad dinala sa ospital ang mga biktima sa Batangas Provincial Hospital ngunit idineklara silang dead on arrival.

Nagsasagawa pa rin ng imbestigasyon ang pulisya.

Author profile
Arman B. Cambe

Si Arman B. Cambe ay naging ABS-CBN news correspondent noong 1987-1989. Naging provincial correspondent ng Headline news, isang national daily tabloid at 10 taong naging Laguna broadcast correspondent ng Radio Veritas. Contributor din siya sa loob ng 5 taon sa Peoples Journal group of companies. Naging Professor ng Journalism at Broadcasting ng 15 taon sa Laguna State Polytechnic University, Sta. Cruz Campus at 5 taon na naging Teacher exchange scholar sa Don Bosco at St. Dominic Institute sa Bangkok, Thailand.