Anak pinatay ng ama dahil sa maingay na aso

0
283

Bacoor City, Cavite. Dead on the spot ang isang 36 anyos na lalaki matapos itong pagsasaksakin ng sariling ama dahil sa sagutan tungkol sa aso sa Barangay Molino 6, bayang ito, noong Lunes ng gabi.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Redgar Sidra, residente ng nabanggit na lugar. Nakatakas naman ang ama nito na si Dante Sidra, 59 anyos.

Ayon sa pahayag ni PMajor Gilbert Cruz, hepe ng Bacoor City Police Office, bago naganap ang krimen ay nagtalo ang mag ama dahil sa maingay na tahol ng alagang aso ng pamilya.

Inuutusan ng matandang Sidra ang anak na ilabas ng bahay ang aso. Hindi sumunod sa utos ang anak dahil lasing ito. Nagsimula ang pagtatalo ng mag ama na humantong sa pagkuha ng kutsilyo ng suspek at sinaksak sa leeg ang anak.

Ayon sa salaysay ng ina ng biktima, tumakas ang kanyang asawa at iniwang wala ng buhay ang anak.

Kasalukuyang nagsasagawa na ng manhunt operation ang mga miyembro ng Bacoor police force at tinutugis ang suspek.

Author profile
Arman B. Cambe

Si Arman B. Cambe ay naging ABS-CBN news correspondent noong 1987-1989. Naging provincial correspondent ng Headline news, isang national daily tabloid at 10 taong naging Laguna broadcast correspondent ng Radio Veritas. Contributor din siya sa loob ng 5 taon sa Peoples Journal group of companies. Naging Professor ng Journalism at Broadcasting ng 15 taon sa Laguna State Polytechnic University, Sta. Cruz Campus at 5 taon na naging Teacher exchange scholar sa Don Bosco at St. Dominic Institute sa Bangkok, Thailand.