Nagtalo tungkol sa sabong; kaibigan pinatay sa bugbog

0
314

Tagaytay City, Cavite. Tinutugis ngayon ng mga awtoridad ang dalawang construction worker na gumulpi at pumatay sa kanilang kasamahan at kaibigan noong Biyernes ng gabi sa Brgy. Patutong Malaki South, lungsod na ito.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Danilo Andaya, na nakitang wala ng buhay sa isang madamong lugar na malapit sa construction site.

Agad naman natukoy ng mga owtoridad ang dalawang suspek na kinilalang sina Rommel at Angelo na nakita ng iba pa nilang kasamahan na tumatakas mula sa crime scene.

Ayon sa imbestigasyon ng Tagaytay City Police Station, nag inuman ang tatlo noong Biyernes ng hapon at nagkaroon ng pagtatalo tungkol sa sabong. Nauwi sa sigawan at mainitang sagutan ang pagtatalo hanggang sa humantong sa pang gugulpi kay Andaya.

Author profile
Arman B. Cambe

Si Arman B. Cambe ay naging ABS-CBN news correspondent noong 1987-1989. Naging provincial correspondent ng Headline news, isang national daily tabloid at 10 taong naging Laguna broadcast correspondent ng Radio Veritas. Contributor din siya sa loob ng 5 taon sa Peoples Journal group of companies. Naging Professor ng Journalism at Broadcasting ng 15 taon sa Laguna State Polytechnic University, Sta. Cruz Campus at 5 taon na naging Teacher exchange scholar sa Don Bosco at St. Dominic Institute sa Bangkok, Thailand.