Tatay, 2 anak timbog sa droga

0
292

Sariaya, Quezon. Pasok sa bilangguan ang 57 an­yos na lalaki at ang dalawa niyang anak matapos mahuli ng mga ope­ratiba ng Municipal Drug Enforcement Unit (MDEU) sa isang buy-bust operation sa Brgy.Montecillo sa bayang ito kamakalawa ng hapon.

Sinampahan ng kasong ng pag­labag sa Section 5 at 11 ng RA 9165 sina Ronaldo Real y De Ocampo ng Brgy. Lutucan Bata at mga anak nitong sina Ramil Real y Salvacion, 25 anyos at Mary Grace Real y Salvacion, 23 anyos.

Ayon sa report ng pulisya, isinagawa ang ope­rasyon laban sa mga suspek, bandang ala una ng hapon at nakumpiska sa kanila ang ang tatlong plastic sachet na nag­lalaman ng hinihinalang shabu na tumitimbang ng .58 grams at nagkakahalaga ng P11,832.00, isang pirasong P1,000 bill na marked money at mga drug paraphernalias.

Author profile
Arman B. Cambe

Si Arman B. Cambe ay naging ABS-CBN news correspondent noong 1987-1989. Naging provincial correspondent ng Headline news, isang national daily tabloid at 10 taong naging Laguna broadcast correspondent ng Radio Veritas. Contributor din siya sa loob ng 5 taon sa Peoples Journal group of companies. Naging Professor ng Journalism at Broadcasting ng 15 taon sa Laguna State Polytechnic University, Sta. Cruz Campus at 5 taon na naging Teacher exchange scholar sa Don Bosco at St. Dominic Institute sa Bangkok, Thailand.