Ginang, pinatay sa taga ng kapitbahay sa kalsada

0
96

INDANG, Cavite. Natagpuang patay ang isang ginang sa tabi ng kalsada matapos pagtatagain ng kanyang kapitbahay sa Brgy. Kayquit 1, bayang ito sa Cavite, noong kamakalawa ng gabi.

Ang biktima ay kinilalang si Rosalie Cantillos, 47-anyos, may-asawa, at residente ng nasabing barangay. Ayon sa ulat ng pulisya, agad na naaresto ang suspek na si alyas Willy, 40-taong-gulang na kapitbahay.

Sa imbestigasyon, natuklasan na 6:30 ng gabi nang ang biktima ay naglalakad pauwi nang harangin ng suspek. Nagkaroon ng komprontasyon ang dalawa, na nauwi sa pagbunot ng suspek ng kanyang dalang bolo at pinagtataga si Cantillos hanggang sa humandusay ito sa kalsada.

Kasalukuyan pang inaalam ng mga awtoridad ang motibo sa pagpatay ng suspek sa kanyang kapitbahay.

Author profile
Arman B. Cambe

Si Arman B. Cambe ay naging ABS-CBN news correspondent noong 1987-1989. Naging provincial correspondent ng Headline news, isang national daily tabloid at 10 taong naging Laguna broadcast correspondent ng Radio Veritas. Contributor din siya sa loob ng 5 taon sa Peoples Journal group of companies. Naging Professor ng Journalism at Broadcasting ng 15 taon sa Laguna State Polytechnic University, Sta. Cruz Campus at 5 taon na naging Teacher exchange scholar sa Don Bosco at St. Dominic Institute sa Bangkok, Thailand.