Cement mixer truck, nahulog sa Lian River, 2 ang nasawi

0
353

Lian, Batangas.  Dalawang construction worker ang namatay matapos mahulog ang cement mixer truck na kanilang sinasakyan sa ginagawang kalsada sa gilid ng Lian River sa loob ng Lian Eco Park sa Sitio Hermosa, Barangay Malarahutan, bayang ito.

Kinilala ng Lian Rescue Team ang mga nasawi na sina Aniceto Oal , 38 taong gulang, may-asawa, driver at John John Obligado, 27, binata na pawang residente ng Lian.

Ayon sa imbestigasyon ng Lian Police Station, tumagilid ang cement mixer truck habang bumabaybay sa ginagawang kalsada sa tabing ilog ng bigla itong tumagilid at tuluyang nahulog. Ayon sa mga nakasaksi, nagtangka pang tumalon si Obligado ngunit kasabay nitong nahulog ang trak.

Ayon sa report, mabilis ang isinagawang pag saklolo ng Lian Rescue Team ngunit hindi na umabot ng buhay ang mga biktima sa Apacible Memorial Hospital.

Author profile
Arman B. Cambe

Si Arman B. Cambe ay naging ABS-CBN news correspondent noong 1987-1989. Naging provincial correspondent ng Headline news, isang national daily tabloid at 10 taong naging Laguna broadcast correspondent ng Radio Veritas. Contributor din siya sa loob ng 5 taon sa Peoples Journal group of companies. Naging Professor ng Journalism at Broadcasting ng 15 taon sa Laguna State Polytechnic University, Sta. Cruz Campus at 5 taon na naging Teacher exchange scholar sa Don Bosco at St. Dominic Institute sa Bangkok, Thailand.