Lalaki arestado matapos manghostage ng 3 babae sa Quezon

0
282

TIAONG, Quezon – Arestado ang isang lalaki na nang-hostage ng tatlong babae sa Barangay Quipot, Tiaong, Quezon bandang 12:20 ng tanghali kahapon, Nobyembre 26.

Ayon kay Quezon Police Provincial Director PCOL. Romulo A. Albacea, bago ang insidente ay binugbog umano ng suspek ang dating live in partner at saka tumakas. Nagtago siya sa isang apartment sa naturang barangay kung saan niya binihag ang tatlong babae.

Umabot ng ilang oras ang negosasyon habang patuloy na pinapakalma ng mga otoridad ang suspek. Humiling umano ito ng tricycle na gagamitin para makatakas. Pinagbigyan ng pulisya ang kondisyon at dito nila sinamantala ang pagkakataon upang dakpin ang lalaki bandang alas dos ng hapon.

Dinala sa ospital ang tatlong biktima para sa agarang lunas. Inihahanda na ng Tiaong Municipal Police Station ang pagsasampa ng mga kaukulang kaso laban sa suspek.

Author profile
Arman B. Cambe

Si Arman B. Cambe ay naging ABS-CBN news correspondent noong 1987-1989. Naging provincial correspondent ng Headline news, isang national daily tabloid at 10 taong naging Laguna broadcast correspondent ng Radio Veritas. Contributor din siya sa loob ng 5 taon sa Peoples Journal group of companies. Naging Professor ng Journalism at Broadcasting ng 15 taon sa Laguna State Polytechnic University, Sta. Cruz Campus at 5 taon na naging Teacher exchange scholar sa Don Bosco at St. Dominic Institute sa Bangkok, Thailand.