Hired killer, nadakip sa Batangas

0
254

Batangas City, Batangas. Inaresto ang  isang  miyembro ng  gun-for-hire ring na itinuturing na high value target sa isang buy-bust sting sa Brgy. Cuta Central, lungsod na ito.

Ayon kay Batangas police provincial director Col. Glicerio Cansilao, si  Jessie Gumban, alias Bakol, 26 anyos, ay hindi lamang contract killer kundi supplier din ng illegal drugs. Nasamsam sa kanya ang mga hindi lisensyadong baril at hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P91,000.

Naaresto ang suspek batay sa sumbong mga concerned citizens. Agad na nagsagawa ng buy-bust operations ang mga awtoridad na nagresulat sa pagkakadakip ng hinihinalang hitman at drug dealer.

Author profile
Arman B. Cambe

Si Arman B. Cambe ay naging ABS-CBN news correspondent noong 1987-1989. Naging provincial correspondent ng Headline news, isang national daily tabloid at 10 taong naging Laguna broadcast correspondent ng Radio Veritas. Contributor din siya sa loob ng 5 taon sa Peoples Journal group of companies. Naging Professor ng Journalism at Broadcasting ng 15 taon sa Laguna State Polytechnic University, Sta. Cruz Campus at 5 taon na naging Teacher exchange scholar sa Don Bosco at St. Dominic Institute sa Bangkok, Thailand.