Pulis, patay sa accidental gun shot

0
492

Alfonso, Cavite. Patay ang isang pulis matapos na aksidenteng pumutok ang kanyang service firearm at tumama ang bala sa kanyang tiyan, sa isang insidente na naganap sa bayang ito kahapon ng umaga.

Kinilala ng Alfonso Municipal Police Station ang nasawing pulis na si Corporal Steve Eduardo Rollon, nakatalaga sa Dasmariñas City Police Station.

Si Rollon ay idi­neklarang dead-on-arri­val sa Poblete Hospital dahil sa tinamong tama ng bala sa tiyan na tumagos sa kanyang puso.

Lumalabas sa imbestigasyon na habang nililinis ng biktima ang kanyang cal. 9mm pistol ay bigla itong pumutok matapos aksidenteng makalabit nito ang gatilyo sa Barangay Upli, nabanggit na bayan.

Nagpapatuloy ang imbestigasyon ng pulisya upang matukoy kung may foul play sa insidente.

Author profile
Arman B. Cambe

Si Arman B. Cambe ay naging ABS-CBN news correspondent noong 1987-1989. Naging provincial correspondent ng Headline news, isang national daily tabloid at 10 taong naging Laguna broadcast correspondent ng Radio Veritas. Contributor din siya sa loob ng 5 taon sa Peoples Journal group of companies. Naging Professor ng Journalism at Broadcasting ng 15 taon sa Laguna State Polytechnic University, Sta. Cruz Campus at 5 taon na naging Teacher exchange scholar sa Don Bosco at St. Dominic Institute sa Bangkok, Thailand.