Wednesday, May 27, 2026


Your Daily News Update About CALABARZON and Beyond.
ISSN 2799-1911

Home Blog Page 605

Pinay na nailigtas matapos ang 60 oras sa ilalim ng gumuhong gusali, ‘maayos ng nagpapagaling’

0

Nailigtas ang isang Pinay makalipas ang 60 oras sa ilalim ng gumuhong gusali sa lalawigan ng Hatay at sa kasalukuyan ay nagpapagaling at nasa maayos ng kalagayan, ayon sa Philippine Embassy sa Turkey kanina.

Si Juliva Benlingan ay nasa trabaho nang inireport na nawawala matapos ang 7.7-magnitude na lindol na tumama sa timog-silangan ng Turkey noong Pebrero 6.

Ang kapatid ni Benlingan na si Maribel ang nagreport noong Pebrero 9 na si Juliva ay natagpuang buhay, isang araw matapos ipaalam sa kanila ng kanyang amo na siya ay “naiwan sa gusali dahil siya ay patay na.”

Ang mga opisyal ng embahada noong Martes ay bumisita kay Benlingan sa isang ospital sa lalawigan ng Adana.

“She thanks God for a second chance at life and the Embassy for their well-wishes,” ayon sa embassy.

Ang team ng embassy na nakabase sa Mersin ay nagbigay din kay Benlingan ng tulong pinansyal at nagbigay ng mga token ng pagpapahalaga sa kanyang mga doktor at nars.

“From the time we learned of the earthquake in Turkey and we cannot contact our sister, working in Hatay, we bended in prayer pleading to God for miracles. I received a call from the employer yesterday telling me that my sister was left in the building because she’s dead. But, we did not give up praying for miracles, all the more that we stormed the heavens crying for life. And indeed God answered our prayers. From the bottom of our hearts, thank you so much,” ayon sa Facebook post ni Maribel matapos mailigtas ang kanyang kapatid.

Julieva Benlingan (Photo courtesy of MARIBEL BENLINGAN-LIYAB)

DOH: Nakita sa PH ang 1st XBB.1.5 case na may unknown exposure

0

Nakita ang unang impeksyon ng XBB.1.5 sa bansa sa isang lokal na kaso, ayon kay Department of Health (DOH) officer-in-charge Maria Rosario Vergeire kanina.

“Itong XBB.1.5 na case is a Filipino, local siya na detection, there were no histories of any type of travel, unknown ‘yung kanyang exposure (This XBB.1.5 case is a Filipino, it’s a local detection, there were unknown histories of travel, the exposure is unknown),” ayon kay Vergeire sa isang media briefing.

Iniulat ng DOH ang unang kaso ng XBB.1.5 at tatlong kaso ng CH.1.1, na bahagi ng 1,078 sample na isinailalim sa sequencing ng Research Institute for Tropical Medicine (RITM) at ng University of the Philippines-Philippine Genome Center noong Enero 28. hanggang Pebrero 3.

Ang XBB.1.5 subvariant ng Omicron ay isang mutation ng BA.2.

“They are estimating or forecasting na ito po ay kakalat sa (that this will spread to) United Kingdom in the coming weeks,” ayon sa kanya.

Gayunpaman, hindi pa nakikita ng mga eksperto ang kapasidad nito na magdulot ng mas matinding pinsala dahil hindi pa ito naiulat ng ibang bansa.

“Here in the country, we’re trying to monitor closely kung meron bang uptick dito sa (if there is uptick in the) severe and critical, and up to now, our cases are at plateau for severe and critical cases. It’s less than 10 percent always in all of our hospitals,” ayon kay Vergeire.

Binigyang-diin niya na ang malubha at kritikal na mga kaso ay manageable, at ang bansa ay may mga pananggalang at pinalakas na pagbabantay upang masubaybayan ang mga bagong variant na maaaring pumasok sa bansa.

Nitong Pebrero 12, iniulat ng DOH na 13.9 percent lamang o 311 sa 2,243 intensive care unit (ICU) beds ang ginagamit, habang 19.6 percent o 3,402 sa 17,344 non-ICU beds ang ginagamit.

Quezon lawmakers susuriin ang mga ordinansa sa pangingisda

0

Malalaking fishing vessels nakakaapekto sa maliliit na mangingisda

Nakatakdang suriin ng mga mambabatas ng probinsya sa Quezon ang mga umiiral na ordinansa sa pangingisda sa lalawigan upang matukoy kung kailangan ng mga amendment dahil sa dumaraming bilang ng mga commercial fishing vessel na naglalayag sa kanilang mga karagatan.

Sa regular na sesyon ng Sangguniang Panlalawigan noong Lunes, sinabi ni Provincial Councilor Angelo Eduarte, pangulo ng Philippine Councilors’ League sa Quezon sa kanyang privilege speech na ang mga maliliit na mangingisda sa mga bayan na nakapaligid sa Inner Lamon Bay sa ika-apat na distrito ay matagal ng mga alalahanin.

Ang mga munisipal na konseho ng Alabat, Quezon at Perez, aniya, ayon sa kanya ay nagsagawa ng magkasanib na sesyon noong Pebrero 8 at tinalakay ang mga hakbang kung paano mas epektibong ipatutupad ang mga batas sa pangisdaan matapos magreklamo ang maliliit na mangingisda sa tatlong bayan sa dumaraming bilang ng malalaking fishing vessels na nago-operate sa kanilang municipal waters.

Binanggit ni Eduarte na noong Pebrero 9, pinangasiwaan ni Quezon Fourth District Representative Mike Tan ang Balikatan Congress-National Government Agency Local Government Unit Leadership Dialogue at Tripartite Cooperation upang bumuo ng maayos na ugnayan sa pagitan ng pambansa at lokal na pamahalaan.

Sa nasabing aktibidad, ipinaabot sa kanya at kay Tan ng mga mangingisda ang mga butas sa municipal fishing ordinance na pinagtibay ng mga munisipalidad ng Inner Lamon Bay, na nagbabawal sa malalaking sasakyang pangisda sa loob ng 15 kilometrong distansya mula sa baybayin ng mga bayan.

“That’s the big loophole. For example, between Quezon and Marinduque, it’s just about 28-kilometer distance. The tendency is for a fishing vessel to encroach on municipal waters beyond their own towns,” ayon kay Eduarte.

Kapag nangyari ito, huhulihin ng malalaking fishing vessels ang lahat ng isda at mapagkakaitan ang maliliit na mangingisda.

“We will revisit and review all the existing fishing ordinance and if need be, we will modify them to adapt to the present situation of the fisher folks,” dagdag ni Eduarte.

Isa sa mga pagbabago na kanyang tinitingnan ay irehistro ang lahat ng mga bangkang pangisda sa ibang munisipalidad para sa kaukulang buwis at obligasyon sa tuwing mangingisda sila sa ibang mga bayan.

Sinabi rin ng konsehal na aapurahin niya sa Biyernes ang pagdinig ng komite at iimbitahan ang lahat ng stakeholder kabilang ang mangingisda, miyembro ng Philippine Maritime Police at lokal na Bureau of Fisheries and Aquatic Resources.

Malaking oil price rollback, sisimulan bukas

Magpapatupad ng malakihang bawas presyo sa produktong diesel at kerosene ang mga kompanya ng langis sa bansa mula bukas.

Ayon sa advisory ng mga kompanya ng langis sa bansa na pinangunahan ng Pilipinas Shell, Petron Corporation, Seaoil, PTT Philippines, Total Philippines, Unioil, Petro Gazz at Phoenix Petroleum, magpapatupad sila ng bawas presyo na P2.20 kada litro ng diesel at P2.50 kada litro ng kerosene habang hindi nagbabago ang presyo ng gasolina hanggang alas-6 bukas ng umaga.

May malaking bawas presyo din sa diesel at kerosene sa kahalintulad na halaga ang kompanyang Caltex (CPI) at CleanFuel na magiging epektibo alas-12:01 bukas ng madaling araw.

Ang ipapatupad na rollback sa mga nabanggit na produktong petrolyo ay dahil sa patuloy na paglalaro ng presyo nito sa pandaigdigang merkado

Matatandaan na noong nakaraang Martes ay nagpatupad ng malakihang bawas presyo sa mga produktong petrolyo ang mga oil company sa bansa na P2.10 sa kada litro ng gasolina, P3.00 sa kada litro ng diesel, at P2.30 sa kada litro ng kerosene.

Hinahabol ng Turkey ang mga kontratista; mahigit na sa 33,000 ang mga namatay sa lindol

0

Tinatarget ngayin ng mga awtoridad ng Turkey ang mga kontratista na pinaniniwalaang sangkot sa mga gusaling gumuho sa dalawang malalakas na lindol noong Pebrero 6 na ikinamatay ng mahigit 33,000 tao.

Ang bilang ng mga namatay mula sa magnitude 7.8 at 7.5 na lindol na tumama ng siyam na oras pagitan pagitan sa timog-silangan ng Turkey at hilagang Syria ay tumaas sa 33,185 at tiyak na tataas pa habang ang mga search team ay naghahanap pa ng mga bangkay.

Habang ang kawalan ng pag-asa ay nauwi sa galit dahil sa napakabagal na rescue operations, ang focus ay nabaling sa sisihan.

Sinabi ni Turkish Justice Minister Bekir Bozdag na 131 katao ang nasa ilalim ng imbestigasyon para sa diumano ay responsibilidad nila sa pagtatayo ng mga gusaling nabigong makayanan ang mga lindol. Bagama’t malakas ang mga lindol, sinisisi ng marami sa Turkey ang maling konstruksyon kung kaya at maraming gusali ang nawasak at bumagsak.

Ang mga construction codes ng Turkey ay nakakatugon sa earthquake-engineering standards, sa papel, ngunit bihirang ipinapatupad ang mga ito, na sinasabing dahilan kung bakit libu-libong mga gusali ang bumagsak.

Kabilang sa mga iniimbestigahan ngayon ay ang dalawang tao na inaresto sa lalawigan ng Gaziantep dahil sa hinala na pinutol nila ang mga haligi upang gumawa ng karagdagang silid sa isang gusali na gumuho, ayon sa state-run na Anadolu Agency. Sinabi ng justice ministry na tatlong tao ang inaresto, pitong iba pa ang nakakulong at pito pa ang pinagbawalan na lumabas sa Turkey.

Dalawang kontratista na may pananagutan sa bumagsak na mga gusali sa Adiyaman ay inaresto noong Linggo sa Istanbul Airport habang sinusubukang umalis ng bansa, ayon sa ulat ng pribadong DHA news agency at iba pang media. (AP)

Pulis, 2 sibilyan huli sa drug bust

0

Liliw, Laguna. Inaresto ng mga operatiba ng Liliw Municipal Police Station (MPS) ang isa nilang kasamahang pulis matapos mahulog ito sa ikinasang buy bust operation kahapon ng gabi sa Purok 9, Barangay 1, bayang ito.

Kinilala ni Police Col. Randy Glenn Silvio, Laguna police director ang suspect na si Staff Sgt. Benjur Dejesa Verdera, 40, nakatalaga bilang hepe ng warrant section ng Liliw MPS.

Si Verdera ayon kay Col. Silvio ay isa sa mga nasa listahan ng high value individual ng pulisya. 

 Nakilala naman ang dalawang sibilyan na sina Kevin John Ballos, 32 anyos, at Alejandro Rodriguez, 40 anyos, pawang mga residente ng Liliw, Laguna.

Ang tatlo ayon kay Corporal Raymark Basco, officer- in- case, ay nakatakdang humarap sa kasong paglabag sa R.A. 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.

Bayan sa Quezon kinilalang model LGU para sa senior citizens program sa Rehiyon 4A

0

Tinanghal na modelong local government unit (LGU) ang bayan ng Sampaloc sa Quezon para sa 2022 sa masigasig na pagpapatupad nito ng social pension fund para sa mga senior citizen sa Calabarzon (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon) o Rehiyon 4A.

Sa 1,800 rehistradong senior citizen ng bayan, 1,632 ang tumatanggap ng buwanang pansiyon na PHP500.

Ang mga tumatanggap ng iba pang mga social pension, tulad ng mula sa Social Security System, ay hindi na kwalipikado para sa benepisyo ng LGU.

Ang karagdagang PHP200 ay ibinibigay sa buwan ng kaarawan ng senior citizen.

Tinanggap ni Mayor Angelo Devanadera, kasama si Municipal Social Welfare and Development officer Mylene Gariguez, ang parangal na iginawad ng Department of Social Welfare and Development sa Tagaytay City noong Miyerkules.

Sa isang panayam sa telepono noong Linggo, sinabi ni Gariguez na kinilala ang bayan dahil nakamit nito ang 100-porsyento ng pagpapatupad ng social pension fund program sa lahat ng apat na quarters noong nakaraang taon.

“We promptly downloaded the fund from the national office allocated for the social pension of our senior citizens and immediately disbursed them, according to the schedule given to us,” ayon kay Gariguez.

Iniugnay ni Gariguez ang pagkilala sa kooperasyon na ipinakita ng lahat ng mga benepisyaryo sa kanilang pag kumpleto ng kanilang mga kinakailangan.

Nilinaw din niya na ang isang senior citizen na gustong tumanggap ng grant ay hindi kailangang rehistradong botante ng bayan upang mapabilang sa programa.

Sapat na ang isang identification card mula sa nayon o Office of the Senior Citizens Affairs, dagdag niya.

PBBM: Charter change not a priority

0

Hindi isinasaalang alang ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang paggawa ng mga pagbabago sa 1987 Constitution bilang isa sa mga prayoridad ng kanyang administrasyon, ayon sa pangulo sa panayam ng media matapos ang kanyang five-day official trip sa Japan.

“It’s not a priority for me because maraming ibang kailangang gawin (there’s still so much to do)…There are so many other things that we need to do first that we can achieve kung makukuha naman natin ‘yung gusto but within the way the constitution is written,” ayon sa kanya.

Pagdinig sa Cha-cha itutuloy pa rin kahit ‘di prayoridad ni PBBM

Gayon pa man, itutuloy pa rin ng House constitutional amendments panel ang mga pagdinig na may kinalaman sa pending na panukalang naglalayon na magkaroon ng Charter change sa kabila ng naunang sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na hindi ito prayoridad ng kanyang administrasyon.

“We respect the opinion of President Ferdinand Marcos Jr. on constitutional amendment measures. We will of course consider it. But as an independent branch of government, the House of Representatives and Congress will proceed with its public dialogues on this issue,” sinabi ni Cagayan de Oro Representative Rufus Rodriguez, committee chairperson.

“The House committee on constitutional amendments will continue holding public hearings and consultations on Charter or constitutional change (Cha-cha) proposals,” dagdag niya.

Nakapagsagawa na ng nasa apat na pagdinig ang panel ni Rodriguez patungkol sa Charter change proposals, katulad ng mga hakbang na magpapadali sa foreign ownership ng mga kompanya at term extension ng public officials.

Ang unang dalawang public hearing ay isinagawa sa Batasang Pambansa, habang ang ikatlong pagdinig ay isinagawa sa Cagayan de Oro noong nakaraang linggo.

Nagpapatuloy naman ang Charter change hearing ng panel ni Rodriguez sa Iloilo ngayong Lunes, Pebrero 13.

“We laud and commend President Marcos Jr. for trying to entice foreign businessmen in his trips abroad to invest their money in the country. He is our best salesman. But certain restrictive provisions of the Charter could be impeding investments,” anang mambabatas.

“In our hearings at the House of Representatives last week and in Cagayan de Oro City last Friday, the overwhelming recommendation was to rewrite the Constitution’s economic provisions to allow for more foreign investments. The emerging consensus is to relax restrictions on the entry of foreign capital into the country,” dagdag niya.

Nauna na ring nagpahayag ng kahalintulad na sentimyento si Senador Robin Padilla, Senate committee on constitutional amendments chairman, kung saan sinabi niya na maaaring mabalewala lamang ang mga natanggap na pledges ni Marcos sa mga biyahe nito sa ibang bansa kung hindi maaamyendahan ang ilan sa economic provisions ng Konstitusyon.

Samantala, sinabi ni Rodriguez na magkakasa pa ang kanyang komite ng mas maraming konsultasyon sa iba pang lugar sa Luzon.

Patay sa Turkey-Syria quake, umabot na sa 24K

0

Turkey. Pumalo na sa humigit kumulang na 24,000 o 23,700 ang kumpirmadong nasawi sa mapaminsalang lindol na tumama sa southern Turkey at northwest Syria.

Kasabay nito ay libo-libong mga residente ang nawalan ng tirahan at walang makakain dahil sa mga gumuhong tirahan at nasirang mga kalsada.

Samantala, patuloy ang search and rescue operations hanggang gabi kahit maginaw.

Ang mga survivors ay sumigaw ng tulong mula sa ilalim ng mga ga-bundok ng mga debris habang ang mga first responders ay nakikipaglaban sa ulan at yelo. Ang aktibidad ng seismic ay patuloy na nadarama sa rehiyon, kabilang ang isa pang pagyanig na halos kasing lakas ng unang lindol. Maingat na inalis ng mga manggagawa ang mga slab ng semento at inabot ang mga bangkay habang ang mga desperadong pamilya ay naghihintay ng balita tungkol sa kanilang mga mahal sa buhay.

Sa kauna-unahang pagkakataon ay bumisita si Syrian President Bashar al-Assad sa mga apektadong lugar, partikular na sa isang ospital sa Aleppo.

Ang magnitude 7.8 na lindol na yumanig sa dalawang bansa noong Lunes, Pebrero 6 ay itinuturing na ikapitong most deadly natural disaster ng siglo.

Samantala, binisita naman ni Turkish President Recep Tayyip Erdogan ang Adiyaman province, kung saan inihayag nito nabatid  niyang hindi kasing bilis ng inaasahan ang naging tugon ng pamahalaan.

“Although we have the largest search and rescue team in the world right now, it is a reality that search efforts are not as fast as we wanted them to be,” ayon sa kanya.

Sinabi rin niya na nagkakaroon na ng nakawan sa ilang mga pamilihan sa apektadong lugar.

Samantala, sa nasabing kabuuang bilang na 23,700 mga nasawi, 20,213 sa mga ito ang mula sa Turkey habang mahigit 3,500 naman ang mula sa Syria.

Control sa paggamit ng drone, itinulak sa Senado

Itinulak sa Senado na magkaroon ng regulasyon sa paggamit ng Remotely Piloted Aircraft System, o kilala sa tawag na drone, upang hindi ito magamit sa mga illegal na gawain.

Inihain ni Senador Raffy Tulfo ang Senate Bill 1777 o ang Drone Regularization Act dahil ang nabanggit na robotic device ay maaaring maging space hazard at kung mali ang pagpapatakbo, maaaring magdulot ng malubhang panganib.

“These robots are unmanned aerial vehicles which are especially advantageous in reaching isolated areas and modern drones are remarkably easy to fly with the advances brought about by technology,” read the bill’s explanatory note. “However, drones can also be dangerous. Since it is now widely used for recreational purposes, it raises regulatory concerns.”

Sa ilalim ng panukalang batas, ang Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ay awtorisado na i-classify ang mga drone sa mga uri para sa layunin ng regulasyon kung ito ay para sa mga pribadong tao, komersyal na paggamit, propesyon para sa hanapbuhay at paggamit ng mga hobbyist.

Kinakailangan silang magparehistro sa kada taon sa CAAP at mag-apply para sa permit to operate.

Ang mga aplikante ay kinakailangang sumailalim sa mga pagsasanay at kumuha ng drone insurance.

Ang mga kasalukuyang tuntunin ay nagsasaad na kung magpapalipad ng drone na tumitimbang ng higit sa 7 kilo (15 pounds), kinakailangan ng CAAP certificate; pinapayagan lamang ang mga drone sa oras na may liwanag ng araw, sa magandang panahon at sa loob ng visual line ng operator; at ipinagbabawal sa mga lugar na makapal ang populasyon, gaya ng mga paaralan o pamilihan.

Sa ilalim ng panukala ni Tulfo, ang mga hindi rehistradong drone ay kukumpiskahin habang nagpapatakbo ng drone para sa komersyal na layunin ng walang permit at magreresulta sa pagkumpiska at multang hindi bababa sa PHP50,000 ngunit hindi hihigit sa PHP100,000.

Anumang paglabag sa pangkalahatang mga regulasyon sa kaligtasan at mga paghihigpit sa paggamit ng drone ay magreresulta sa multa sa pagitan ng PHP100,000 at PHP500,000.