Thursday, April 30, 2026


Your Daily News Update About CALABARZON and Beyond.
ISSN 2799-1911

Home Blog Page 704

Buy-bust ops nauwi sa barilan: Pulis at tulak patay

0

Tanza, Cavite. Patay ang isang pulis matapos mabaril ng drug suspect habang isinasagawa ang buy-bust operation ng pulisya sa bayan ng Tanza, kamakalawa ng umaga.

Nagtamo ng tama ng bala sa dibdib si PCpl. John Paul Digma, nakatalaga sa Tanza Police Intelligence Unit na agad niyang ikinamatay.

Napatay rin ang suspek na target ng buy-bust na nakilalang si Jay Alang Ilang, isang kilalang drug pusher sa nasabing lugar.

Ayon sa ulat nina PStaff Sgt. Francis Mark Cortez at PStaff Sgt. Emerson De Ocampo ng Tanza Municipal Police Station, isang buy-bust operation ang ikinasa ng Intelligence operatives sa Brgy. Biga, Tanza.

Sa akto ng buy-bust operations, nakatunog  ang suspek na pulis ang kanyang ka-deal kung kaya’t agad itong nagtatakbo habang binabaril nito ang mga pulis, ayon sa reporn.

Dead on the spot si Digma matapos siyang tamaan sa dibdib na tumagos sa kanyang puso.

Gumanti naman ng putok ang mga kasamahan ni Digma at napatay din ang suspek.

Nabili na ni Elon Musk ang Twitter

Tinanggap ng Twitter Inc. kahapon ang bid ni Tesla CEO Elon Musk na bilhin  ang kumpanya, na magbibigay ng kontrol sa pinakamayamang tao sa mundo sa social-media network kung saan kabilang din siya sa mga pinaka-maimpluwensyang user nito. Gusto ni Musk na gawing pribado ang Twitter bilang bahagi ng deal.

Nangako si Musk ng mga bagong features at sinabi na itutulak niya at pahihinain ang paninindigan ng Twitter sa content moderation.

“Free speech is the bedrock of a functioning democracy, and Twitter is the digital town square where matters vital to the future of humanity are debated,” ayon sa kanya sa news release tungkol sa deal.

Kung matatapos ang bayaran, ang pagkakabili sa Twitter ng $44 bilyon ang pinakamalaking bilihan sa tech history at malamang na magkaroon ng pandaigdigang epekto sa mga darating na taon kung paano gagamit ng social media ang bilyon bilyong tao sa mundo kabilang ang posibleng paghubog kung paano ginagamit ng bilyun-bilyong tao ang social media.

“I hope that even my worst critics remain on Twitter, because that is what free speech means,” ayon sa pinakahuling tweet ni Musk.

Wala ng Comelec debate, panel interview nakatakda sa Mayo 2 – 6

Ang huling bahagi ng tatlong bahagi na “PiliPinas Debates 2022” ng Commission on Elections (Comelec) ay magiging interview na ang format.

The taped interviews, renamed “COMELEC-KBP Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas) Pilipinas Forum 2022, are tentatively scheduled to air on May 2 to 6 with all candidates to undergo a one-hour panel interview,” ayon sa advisory na ipinalabas kanina.

Maaari silang pumili sa isang virtual o face-to-face na panayam.

Sinabi ng poll body na pinag sisikapan nila ang mga kaganapan para sa debate dahil sa hindi pagkakasundo sa iskedyul ng mga kandidato.

Ang hindi nabayaran na mga atraso sa Sofitel Philippine Plaza Manila, venue ng unang dalawang bahagi ng debate, ay naging dahilan din sa hindi natuloy debate noong nakaraang weekend.

Sinabi ni Commissioner George Garcia na ang guidelines ay ilalabas sa Martes.

“Comelec has the final say, including editing. The panelist will be provided by KBP,” ayon sa kanya sa ipinalabas na statement.

Suspek na nanungkit ng bag sa bintana, arestado

0

Sta. Cruz, Laguna. Arestado sa follow-up operation ng Lumban Municipal Police Station (MPS) ang isang kumalawit ng bag sa bintana ng isang bahay sa Brgy. Maracta, Lumban, Laguna.

Ang suspek na nakatakdang kasuhan ng theft ay kinilala ni Laguna Police Provincial Director PCOL Cecilio R. Ison na si Arjohn Lee Rabie y Ramiro, lalaki, 19 anyos na binata at residente ng Brgy. Primera Parang, Lumban, Laguna.

Ayon sa salaysay ni P/Capt. Joseph D Valle, Hepe ng Lumban MPS, nangyari ang panloloob sa bahay ng mag-asawang Teodoro Vilar, isang retired engineer at Agnes Vilar kamakalawa bandang 1:47 ng madaling araw.

Batay sa mga footage na nakuha sa closed-circuit television (CCTV), umakyat ang suspek sa sementadong bakod at pumasok sa loob ng compound, binuksan ang sliding window ng kwarto at gamit ang bamboo stick ay sinungkit ang bag na naglalaman ng humigit kumulang na tatlumpung libong piso.

Matapos makilala ang suspek, agad na nagsagawa ng follow-up operations ang mga tauhan ng LUmban MPS na nagresulta sa pagkakadakip kay Ramiro.

Nabawi sa kanya ang dalawampung libo sa tatlumpung libong pisong ninakaw.

Kasalukuyang nasa pangangalaga ng Lumban MPS ang suspek habang isinasampa ang mga kaukulang kaso laban sa kanya..

“Sasampahan ng kasong theft ang suspek sa Provincial Prosecutor’s Office sa Sta. Cruz, Laguna. Bagama’t kami po sa kapulisan ay laging handa na rumesponde ng agaran ay pinapayuhan ko po ang ating mga kababayan na maging maingat upang maiwasang maging biktima ng krimen,” ayon kay Ison.

2nd booster shot para sa immunocompromised sinimulan kanina

Sinimulan ng Department of Health kanina ang pagbibigay ng pangalawang booster dose sa mga fully vaccinated na immunocompromised na tao o sa A3 population.

Sa isang briefing sa telebisyon, sinabi ng presidente ng Philippine Medical Association na si Dr. Benito Atienza na ang mga immunocompromised ay madaling kapitan ng malubhang sakit o kamatayan dahil sa Covid-19, kaya sila ay inuuna na bigyan ng pangalawang booster shot.

Nauna rito, sinabi ni National Vaccination Operations Center chair Myrna Cabotaje na target nilang mabakunahan ang 7,000 hanggang 13,000 immunocompromised na indibidwal sa pangalawang booster shot tatlong buwan pagkatapos ng kanilang unang booster shot.

Humigit-kumulang 600,000 immunocompromised na tao ang nakatanggap ng kanilang unang booster shot.

Sinabi ni Atienza na ang pagkakaroon ng ibang brand para sa pangalawang booster shot ay mas epektibo kaysa sa pagkakaroon ng katulad na brand bilang unang booster dose.

“Katulad ko po, nabigyan po ako dati ng AstraZeneca – dalawa, tapos ang sumunod ko po ay Pfizer, kaya puwede po ako ng Moderna o kaya other vaccines,” dagdag niya.

Ang mga immunocompromised na tao na karapat-dapat para sa karagdagang bakuna ay kinabibilangan ng mga nakatanggap ng organ transplant, cancer, at mga pasyente ng HIV/AIDS, may pangunahing immunodeficiency, at ang mga umiinom ng immunosuppressant.

Doc Jeff, dentist and social media influencer, joins Tutubi News Magazine

0

Dr. Jeffrey Montoya Sumague, a very good practicing dentist and social media influencer, has joined Tutubi News Magazine.

Doc Jeff, as he is fondly called, is a product of Centro Escolar University in Mendiola, Manila, trained in Orthodontics and TMJ and Craniodontics, and past President of the Philippine Dental Association San Pablo City Chapter in 2019-2020. He was warded as one of most Outstanding President and Chapter during the Gabi ng Parangal of the Philippine Dental Association also known as the Gawad PDA in 2020.

As a civic-minded dentist, Doc Jeff, promotes dental health using various social media platforms.  He has his own YouTube, Facebook, and TikTok channels, and is an avid vlogger serving as broadcaster and past President of Team Positive Philippines.  He finds time to be a Radio DJ/Anchor for J101.5 FM Big Radio and serves as a correspondent for Isyu Balita.  He is also an active member of JCI San Pablo 7 Lakes.

Doc joins Tutubi News Magazine as a contributor who will delve primarily on dental health but will also share his insight on a variety of other subjects..

PNP: Paghahanda sa seguridad para sa May 9 polls ‘kasado na’

Nakatakda na ang mga hakbang sa seguridad noong Lunes dahil matapos ipakalat ang mahigit 40,000 pulis para sa pambansa at lokal na halalan sa Mayo 9, ayon sa Philippine National Police (PNP).

Ayon kay PNP chief Gen. Dionardo Carlos, ang bilang na ito ay inaasahang tataas pa sa susunod na linggo upang palakasin ang mga operasyon ng seguridad para sa nalalapit na botohan.

Sinabi ni Carlos na mahigit 16,000 pulis na may kani-kanilang mandatory career courses at field training exercises para sa mga tungkulin sa halalan ang na-recall at magsisilbi sa araw ng halalan.

“We will have more police on the ground come D-Day. I would like them to focus already on their AOR (area of responsibility) pero kapag kailangan (if needed), emergency, we will have virtual (meeting) for giving instructions based on what we know, what we have information para ‘yung ating pong mga (our) field commanders are properly guided,” ayon kay Carlos sa isang media interview kanina matapos ang unveiling ceremony ng “PNP Officer” Statue sa Camp Crame.

Sinabi ni Carlos na mahigpit nilang sinusubaybayan ang sitwasyon sa lupa bago ang botohan.

Bukod sa security operations, nakikibahagi rin ang PNP sa pagsisikap ng Commission on Election na pigilan ang bilihan ng boto at iba pang ilegal na aktibidad na may kinalaman sa botohan.

Tinuligsa ng NPC ang pag-atake ng Facebook sa mga public platforms

Tinuligsa kahapon ng National Press Club of the Philippines (NPC), isa sa pinakamatanda at pinakamalaking organisasyon ng mga aktibong mamamahayag sa bansa, ang patuloy na ‘flagging’ na ginagawa ng Facebook at ng mga ‘fact checkers’ nito sa halos lahat ng pampublikong platform.

Sa isang pahayag, inilarawan ng NPC ang pagbandera hindi lamang bilang mga gawain ng panliligalig at pananakot at isang walang pakundangan na pagpigil sa mga kalayaang sibil, partikular na ang karapatan sa kalayaan sa impormasyon at pagpapahayag ngunit higit sa lahat, isang pag-atake sa soberanya ng bansa.

“It has been barely two days since April 19, when the NPC issued its statement criticizing Facebook and its ‘fact-checkers,’ Rappler Philippines and Vera Files, for their callousness in warning Philippine national security adviser, Secretary Hermogenes Esperon over his post involving the threat pose to our nation’s security by the communist terrorist groups,” ayon kay NPC president Paul M. Gutierrez.

Ang pagpuna ng NPC ay umani ng napakalaking suporta hindi lamang mula sa publiko kundi maging sa ating mga kasamahan at mga nasa gobyerno, ayon kay Gutierrez.

Dagdag pa niya, sa halip na mahiya na gumawa ng tama at responsable, ipinakita ng Facebook sa lahat ng Pilipino na ‘Lord of the Realm of Social Media’ sa pamamagitan ng pag-flag down at pagbibigay babala sa mga opisyal ng pampublikong platporm tulad ng Philippine News Agency (PNA), na kasamahan namin sa media sa pampublikong sektor,” dagdag ni Gutierrez.

“This is dangerous and truly alarming. Increasingly, Facebook, on the proddings of its fact-checkers and other state enemies, such as the CTGs, is demonstrating its capacity to resort to the neo-fascist method of wholesale censorship— and of an entire country at that— unmindful that it is already trampling on the laws and the sovereignty of our Republic,” ayon sa kanya.

Ang panawagan ng NPC para sa mga responsableng ahensya ng gobyerno na disiplinahin ang Facebook at ng mga fact-checker nito, partikular ang Rappler at Vera Files, ay naging mas apurahan at mapilit, dagdag ni Gutierrez.

“In the meantime, we call on all NPC affiliates and all the responsible and patriotic elements in the media community, along with other patriotic organizations to unite in resisting and denouncing this common threat to our civil liberty and our democracy,” ayon sa statement.

Hinimok niya na huwag hayaang diktahan ng mga dayuhang entity ang mga Pilipino dahil ito ay malinaw na pasismo, hindi demokrasya.

“Let us not be cowed in exposing the abusive behavior of foreign-funded corporations who are now trying to impose their will on us, a sovereign people,” ang pagtatapos ni Gutierrez.

National Press Club president Paul M. Gutierrez. Photo credits: NPC

Misis, pinatay ni mister gamit ang unan

0

Agoncillo, Batangas. Pinaghahanap ngayon ng pulisya ang isang 27 anyos na lalaki matapos patayin nito ang kanyang asawa sa Brgy. Bilibinwang, bayang ito.

Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, dinaganan ng unan ng suspek na si Jeffrey Montecol ang mukha ng asawang si Nova Garcia Montecol hanggang sa ito ay mamatay.

Batay sa salaysay ng kapatid ng biktima, umuwing lasing ang suspek at bandang 9;30 ng gabi kamakalawa at narinig niya ang kaguluhan sa kwarto ng mag asawa. Diumano ay nakita niyang dinadaganan ng suspek ng unan ang mukha ng kanyang ate. Ayon sa kanya ay pinagbantaan siya ng suspek noong tangkain niyang umawat kung kaya at humingi siya ng saklolo sa mga kapitbahay.

Sa kasamaang palad, patay na ang biktima noong dumalo ang mga kapitbahay. Nakatakas ang suspek sakay ng isang SYM motorcycle.

Kaugnay nito isang manhunt operations ang ikinasa ng Batangas PNP, ayon sa report ni Batangas Police  Provincial Director   PCol. Glicerio Cansilao Jr. kay Batangas kay Police Regional Director PBGen  Antonio C. Yarra.

SMC, naglunsad ng programa para sa continuing education

Naglunsad ng isang youth development program ang San Miguel Corporation (SMC) na nakatuon sa mga bata mula sa mahihirap na pamilya na malapit sa mga planned development sites nito sa buong bansa bilang bahagi ng pangako nito na makatulong sa pagpapabuti ng pag-aaral at dagdagan ang kanilang mga pagkakataon sa buhay.

Ayon kay SMC president Ramon S. Ang, ang SMC Educational Assistance Program ay makatutulong sa 292 elementarya, junior high, senior high at mga mag-aaral sa kolehiyo sa paligid ng mga komunidad na pinaglilingkuran nito sa Bulacan, Quezon province, Batangas, at General Santos City.

“Sustainability is a big part of not just our new projects, but all of San Miguel’s operations. For our communities, it is even more critical, that is why in the last couple of years, we have been very proactive in instituting social and environmental initiatives in our future project sites, long before any construction is done. These programs are part of our holistic approach to improving the lives of those who will be our future host communities and partners,” ayon kay Ang sa isang statement na ipinalabas kanina.

Sinimulan ang programa sa Sariaya, Quezon, kung saan ay nagtayo ang SMC ng isang modelo ng sustainable housing relocation village, may mga disaster-resilient homes, recreation and learning facilities, isang complementary fishermen’s dock at multi-purpose center, at isang pampublikong pamilihan na pinamamahalaan at pinatatakbo ng mga mangingisda at mga magsasaka-benepisyaryo ng nayon, ayon kay Ang.

Ang programa ay kasalukuyang pinakikinabangan ng 43 mga mag-aaral sa Sariaya, na ang mga magulang ay binigyan din ng SMC ng pagsasanay sa pagnenegosyo at iba’t ibang kasanayan, sa pamamagitan ng pakikipagtulungan sa Technical Education and Skills Development Authority (TESDA).

Dahil sa tagumpay ng pilot program, inilunsad din ng kompanya ang SMC Education Assistance Program para sa 81 benepisyaryo sa Bulakan, Bulacan, kung saan nakatakdang itayo ang New Manila International Airport (NMIA).

Samantala, may kabuuang 129 na mag-aaral mula sa elementarya, junior high, senior high, at college level ang nakikinabang din sa nabanggit na programa sa Calatagan, Batangas.

“We are well aware of how difficult it is to pursue online learning during the pandemic. Experts point out to learning challenges like the lack of reliable internet connection, inadequate computer knowledge or equipment, loss of interest or motivation, stress, depression, distractions at home, and the lack of support system that is usually present in traditional school environment,” ayon kay Ang.

Kasama di sa nakaplanong agro-industrial complex ng SMC sa Sariaya ang isang brewery, grains terminal, feed mill, isang ready-to-eat food manufacturing plant, high-tech na poultry facility, isang fuel tank farm, at mga pasilidad sa daungan.

“Sana, maihanda natin sila para sa mas magandang kinabukasan, at para samantalahin ang mga pagkakataon sa hinaharap sa ating mga pag-unlad,” dagdag pa ni Ang.