Batangas City, Batangas. Inaresto ang isang miyembro ng gun-for-hire ring na itinuturing na high value target sa isang buy-bust sting sa Brgy. Cuta Central, lungsod na ito.
Ayon kay Batangas police provincial director Col. Glicerio Cansilao, si Jessie Gumban, alias Bakol, 26 anyos, ay hindi lamang contract killer kundi supplier din ng illegal drugs. Nasamsam sa kanya ang mga hindi lisensyadong baril at hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P91,000.
Naaresto ang suspek batay sa sumbong mga concerned citizens. Agad na nagsagawa ng buy-bust operations ang mga awtoridad na nagresulat sa pagkakadakip ng hinihinalang hitman at drug dealer.
Nagbabala si Pangulong Rodrigo Duterte kahapon sa Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines (AFP) na ihanda ang kanilang mga sarili para sa potensyal na spillover sa Asya ng nagaganap na digmaan sa pagitan ng Russia at Ukraine.
Sa graduation rites ng PNP Academy “Alab-Kalis” Class of 2022 sa Silang, Cavite, sinabi ni Duterte na nakipagpulong siya sa mga opisyal ng pulisya at militar upang bigyan sila ng babala sa posibleng spillover ng Russia-Ukraine conflict sa Pilipinas.
“Nagwa-warning lang ako that things might go overboard. Itong gulo na ‘yun. Isang pagkakamali diyan, may problema na tayo,” ayon sa kanya.
Hindi na nagbigay ng karagdagang detalye si Duterte tungkol sa kanyang pakikipagpulong kamakailan sa mga opisyal ng PNP at AFP ngunit sinabi niyang inatasan niya ang tropa ng Pilipinas na maging “handa” sakaling maglunsad ang Russia ng nuclear war laban sa Ukraine.
“Kaya sinabi ko, tinawag ko ‘yung PNP pati yung armed forces. Sinabi ko kapag magulo na, trabaho na ng pulis pati army iyan, the Armed Forces of the Philippines. Be ready for that,” ayon sa kanya.
Nagbigay ng babala si Duterte, at sinabi na may posibilidad na hindi makontrol ang krisis sa pagitan ng Russia at Ukraine.
Inulit niya na ito ay isang “malubhang problema,” kung sakaling palakasin ng Russia ang opensiba nito laban sa Ukraine sa pamamagitan ng paggamit ng mga nuclear weapon.
Ipinahayag ni Elon Musk na may nakahanda siyang $46.5 bilyon na financing upang bilhin ang Twitter, at sinusubukan niyang makipag negosasyon para sa isang kasunduan sa nabanggit na kumpanya.
Noong nakaraang linggo, inanunsyo ni Musk ang isang alok na bilhin ang kumpanya ng social media sa halagang $54.20 bawat share, o humigit-kumulang $43 bilyon. Noong panahong iyon, hindi niya sinabi kung paano niya tutustusan ang pagbili.
Sinabi ng Tesla CEO kahapon sa mga dokumentong isinampa sa mga securities regulator ng U.S. na pinag aaralan niya ang isang “tender offer” upang bilhin ang lahat ng common stock ng platform ng social media sa halagang $54.20 bawat share sa cash. Sa ilalim ng isang tender offer, si Musk, na nagmamay-ari ng humigit-kumulang 9% ng mga share ng Twitter, ay direktang mag aalok ng pagbili sa iba pang mga shareholder, at lalampasan ang board.
Ngunit hindi pa nagpapasya si Musk kung gagawin niya iyon.
Ang mga dokumentong isinampa sa Securities and Exchange Commission ay nagsasabi na ang Twitter Inc. na nakabase sa San Francisco ay hindi tumugon sa panukala ni Musk.
Kaugnay nito, sinabi ng Twitter sa isang pahayag kahapon na natanggap na nila ang updated na panukala ni Musk at ang “bagong impormasyon nito sa potensyal na financing.”
Sinabi ng kumpanya na ang board nito ay “committed to conducting a careful, comprehensive and deliberate review to determine the course of action that it believes is in the best interest of the company and all Twitter stockholders.”
Sinabi ni presidential candidate Leody de Guzman kahapon na “foul” ang panawagan ni Manila Mayor Isko Moreno kay Vice President Leni Robredo na umatras sa presidential race sa Halalan 2022.
“Tingin ko, ‘yung panawagang mag-withdraw publicly ay parang foul. Foul ‘yun. Hindi maganda. Kung gusto ninyo ng pagkakaisa laban kay Marcos dahil hindi tayo sang-ayon doon sa style at historical background ng mamang ‘yun, at nagkakaisa tayo, e di mag-unite tayo on the ground,”ayon sa kanya sa panayam ng CNN.
Binigyang-diin ni De Guzman na maaaring magtulungan ang mga kandidato upang ipaalam sa publiko sa barangay level ang tunay na naganap noong martial law era at sa panunungkulan ni Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. bilang lokal public official sa Ilocos Norte.
“Ipaliwanag natin ‘yung katotohanan ng lahat ng bagay na ‘yun. Magtulong-tulong [tayo] at bahala na kung kanino pupunta ang mga tao,” ayon sa kanya.
Sinabi naman niya na napasama pa ang mga kandidato na dumalo sa press conference, habang pumabor naman ito kay Robredo na ayon sa kanya ay “nagmukhang underdog”.
“Tingin ko nagulo ‘yung mga tao at mukhang may negative pa atang impact sa kanila ‘yun. Mukhang mas favor pa yata kay Leni ‘yung naging resulta dahil parang na-underdog siya sa usapan na ‘yan,” ayon pa rin sa pahayag ni de Guzman.
Nauna dito, noong nakaraang Linggo ay nagdaos sina Moreno, Senator Panfilo Lacson, at dating Defense secretary Norberto Gonzales ng isang press conference upang igiit na hindi sila aatras sa kani-kanilang presidential bid.
Pinaalalahanan ni Presidential Adviser for Entrepreneurship Joey Concepcion ang mga Pilipino na magpa-booster shot upang hindi masayang ang 27 milyong dosis ng mga bakunang Covid-19 na mag-e-expire ngayong Hulyo.
Sa Laging Handa public briefing nitong Miyerkules, sinabi ni Concepcion na ang mga bakunang ito na nakatakdang mag-expire ay nagkakahalaga ng PHP40 bilyon.
Aniya, karamihan sa mga bakunang ito ay mula sa COVAX.
Ang pribadong sektor ay nag-donate din ng ilan sa mga Covid-19 jab na ito.
“That doesn’t cost the government anything but it costs us something,” dagdag pa niya.
Sinabi ng tagapayo ng Palasyo na bukod sa pagsisikap na makatipid sa paggastos para sa mga bakunang ito, ang mga jab na ito ay magliligtas ng mga buhay sa gitna ng mga banta ng posibleng mga bagong strain ng Covid-19 at ang mga tagumpay ng bansa sa muling pagbubukas at pagbawi ng ekonomiya.
“Let’s protect ourselves and allow the economy to grow and help our citizens,” ayon kay Concepcion.
Sinabi niya na ang mga medical experts ay nagpaabot ng alalahanin sa banta ng muling pagbalik ng virus, at ang pagkuha ng mga booster shot ay makakatulong sa mga mamamayan na upang sila ay maprotektahan.
Pinaalalahanan ni Concepcion ang mga Pilipino na ang pangunahing dosis ay nagsisimulang humina mga limang buwan pagkatapos ng huling inoculation.
“Cases are moving up. This may be due to waning immunity as the booster uptake remains very poor. We’re trying to prevent people from getting severely ill and overwhelming the healthcare system. We want to maintain the Alert Level 1 status, but we need people to stay healthy and keep the engines of the economy running,” ang pagtatapos ni Concepcion.
San Jose, Batangas. Tatlong miyembro ng pamilya ang sugatan matapos atakihin at pagsasaksakin ng nag-amok na kamag-anak na napatay sa pag-aagawan ng patalim sa loob ng kanilang tahanan sa Barangay Balagtasin 1, bayang ito, kahapon ng madaling-araw.
Kinilala ni Major John Villanueva, hepe San Jose Municipal Police Station ang mga sugatang biktima na sina Romnick Jobog, 24; welder; ama nitong si Roland, karpintero at inang si Maria Criselda, 50. Sila ay kasalaukuyang ginagamot sa San Jose District Hospital.
Sinabi ni Villanueva na si Romnick ay nagtamo ng mga saksak sa iba’t ibang parte ng katawan, si Roland ay nagtamo din ng saksak sa katawan samantalang si Maria Criselda ay nasugatan sa mukha.
Napatay naman sa pag-aagawan ng patalim ang suspek na si Reonel Jobog, 42, isa ring welder at pinsan ni Roland.
Sa imbestigasyon, habang mahimbing na natutulog ang nasabing pamilya ay bigla silang nabulabog ng ingay ng suspek na lasing at nagwawala sa labas ng kanilang bahay saka sumisigaw ng “Romnick lumabas ka dyan at papatayin kita!”
Sa kabila nito, hindi pinansin ng mga biktima ang pagwawala ng suspek subalit nagulat na lang sila nang biglang tadyakan ng huli ang pintuan ng kanilang bahay at makapasok ito ay agad nitong sinaksak si Romnick kaya sinubukang umawat ang mga magulang ng huli pero sila rin ay inundayan ng saksak ng suspek.
Nang mag-agawan sa patalim, nalaglag ito sa sahig kaya pinulot ni Romnick hanggang sa makipag-agawan muli ang suspek na nagresulta upang siya ay masaksak at mapatay.
Ikinasa ng Bureau of Customs (BOC) ang 16 units ng Trace Detection System (TDS) sa iba’t ibang daungan sa bansa na isasagawa mula Abril hanggang Mayo 2022.
Ang TDS, o ang NUCTECH TR3000DE, ay isang mahalagang karagdagan sa non-intrusive inspection capability ng Bureau dahil dinisenyo ito upang matukoy ang mga pasabog, narcotics, at droga, ayon sa paliwanag ng BOC.
Matutukoy ang mga ito sa pamamagitan ng sampling ng non-visible trace amounts ng particulates mula sa mga kargo, ayon pa rin sa ahensya.
“The newly-acquired system boasts a throughput of three times more than the traditional systems. The monitoring of the TDS is located at the Customs Operations Center, featured among its wide array of safety, enforcement, and security systems and manned by the ESS (Enforcement and Security Service) personnel,” ayon sa statement.
Naglagay na ang BOC ng tig-dalawang units ng TDS sa Manila International Container Port at sa Ninoy Aquino International Airport at tig-isang unit naman sa Port of Cagayan De Oro, Port of Manila, at sa Customs Anti-Drug Task Force.
Ilalagay ang mga natitirang unit hanggang Mayo ng taong ito, ng tig-dalawang unit sa Port of Cebu at sa Port of Davao, at tig-iisang unit sa Port of Zamboanga, Port of Limay, Port of Subic, Port of Clark, at sa Port of Batangas.
Natapos na ang pag-imprenta ng voters information sheet (VIS), ayon sa report ng Commission on Elections (Comelec) kahapon.
Batay sa pinagsama-samang ulat ng katayuan sa pag-imprenta ng VIS, noong Abril 13, ang lahat ng mga form para sa mga rehiyon sa bansa ay na kumpleto na. Ang mga rehistradong botante ay makakatanggap ng nasabing form, na ipapamahagi ng poll body bago sumapit ang Mayo 9 na botohan.
Dapat isama sa VIS ang pangalan ng botante, tirahan, presinto at ang lugar kung saan siya nakarehistro.
Kasama rin ang mga pinasimpleng tagubilin sa pagka-cast ng mga boto.
May 65.7 milyong botante sa bansa, batay sa pinakahuling datos.
Ang mga reporma sa halalan at edukasyon ay kabilang sa mga paksang tatalakayin sa presidential town hall debate na gaganapin sa Abril 24 sa Pasay City, ayon sa Commission on Elections (Comelec) kahapon.
Ayon kay Comelec Commissioner George Garcia, ang event na magsisimula sa alas-7 ng gabi sa Sofitel Harbour Garden Tent, Pasay City, ang huling presidential event ng poll body para sa halalan ngayong taon.
Kasama sa iba pang mga paksa ang ekonomiya at imprastraktura na may diin sa digital frontier.
Sa dalawang nakaraang presidential debate, ang mga presidential aspirants na dumalo ay sina dating presidential spokesperson Ernesto Abella, labor leader Leody de Guzman, Manila Mayor Francisco Domagoso, dating national security adviser Norberto Gonzales, Senator Panfilo Lacson, businessman Faisal Mangudato, Dr. Jose Montemayor Jr. ., Senador Emmanuel Pacquiao at Bise Presidente Leni Robredo.
Wala si dating Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. sa parehong mga kaganapan na ginanap noong Marso 19 at Abril 3 sa Sofitel Hotel Tent sa Pasay City.
Tungkol naman sa huling debate sa vice-presidential town hall ng poll body na gaganapin sa Abril 23, sinabi ni Garcia na ang mga talakayan ay iikot sa mga isyu sa sektor ng lipunan (sa ilalim ng kalagayan ng mga mahihinang sektor, Indigenous People, Person With Disability, work force. , magsasaka, overseas Filipino workers, LGBTQ, Women, atbp.).
Ang mga dumalo sa unang VP debate na ginanap noong Marso 20 ay sina Walden Bello, Manny SD Lopez, Willie Ong, Kiko Pangilinan, Carlos Serapio, at Tito Sotto.
Isa pang VP bet, si Lito Atienza ay tumanggi na dumalo sa debate dahil sa medikal na dahilan habang wala rin si Sara Duterte sa nasabing event.
“Umatras ka na,” sabi ni Isko Moreno Domagoso kay VP Leni Robredo. “Be a hero,” ang patolonges na sabi pa niya.
Hindi ko makita ang heroism sa pag atras – kahit saang laban. At kung tunay na kabayanihan nga ang inaalok niya, bakit kaya hindi siya ang umatras?
Bully bait ba ang padahak na yon o bully talaga ang mayor na tumakbong presidente at narindi.
Hindi viable ang hamon na magpa atras dahil hindi naman siya kasali sa mga frontrunners.
Babae ba si Leni kaya minemenos ni Isko? Dahil ang pagmumungkahi ng resignation ay isang uri ng pang mamaliit. “Wala kang laban, Ineng kaya umuwi ka na,” parang ganyan.
Nauunawaan ko kung bakit naging sexy actor siya nung siya ay artista pa. Pero hindi na katanggap tanggap ang isa pang sexist at maangas na pangulo.
Ang pagturing sa mga babae bilang mababang nilikha—mabuti ba iyon para sa bansa at sa mundo? Hindi nga ba’t sinabi din niya na “Baka ma-offend, babae eh. Ayaw namin. Alam mo, there was a time nasa debate kami ni Senator Ping. Gusto na namin mag–[argue], kaya lang nahiya kami kasi babae.”
Hindi dapat mangimi sa babae. Subukan mong pumarehas. Nakikita mo ito sa lahat ng mga hayop – ang babaeng species ay mas nakamamatay kaysa sa lalaki. Huwag kang maawa dahil kayang gawin ng mga babae ang anumang magagawa ng mga lalaki na may suot na 5 inch heels.
May mga nagsasabi pa rin talaga na ang babae ay para lang sa kusina. Gamit ang parehong lohika, ang mga lalaking kagaya ni Isko ay nabibilang lang sa gubat.
Sa isang banda, itinatwa ng ibang presidential candidates, kasama na ang sarili niyang bise na si Doc Willie Ong ang nakakahiyang panawagan na umatras na si Leni. Nag backlash ang gender discriminating strategy ni Yorme. Hindi na kasi uso ang dogmatic na tao.
Sa kabila pang banda, mabuting nakikita ng kababaihan ang mga ganitong eksena. Makakatulong ito sa pagpili natin ng susunod na boarder sa Palasyo.
Women, rock the vote!
Nieves Fernandez: Ang Kilabot na Guro ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig Isa sa ilang babaeng pinunong gerilya noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig, si Kapitan Nieves Fernandez na nagkataong guro rin sa kanyang bayang sinilangan na Tacloban, Leyte ay naging commander sa isang grupo ng mga gerilyang Pilipino laban sa pananakop sa mga puwersang Hapones noong panahon ng digmaan.
Gamit ang karamihan sa mga magaspang na armas tulad ng mga homemade shotgun (“paltiks”) at kung ano pa man ang maaari nilang makuha mula sa kaaway, ginawang impyerno ni Nieves at ng kanyang grupo ang buhay na para sa mga Hapon. Nakapatay ang grupo ng 200 na Hapon sa panahon ng labanan. Galit na galit ang mga Hapon at naglagay ng 10,000-pisong pabuya sa kanyang ulo.
Gayunpaman, ang matipunong si Fernandez ay nakaligtas sa digmaan ng walang iba kundi isang galos mula sa daplis ng bala sa kanyang kanang bisig. Ang retrato ay nagpapakita ng kanyang paglalarawan sa isang Amerikanong sundalo kung paano niya papatayin ang mga bantay ng Hapon gamit lamang ang isang bolo.
We use cookies on our website to give you the most relevant experience by remembering your preferences and repeat visits. By clicking “Accept All”, you consent to the use of ALL the cookies. However, you may visit "Cookie Settings" to provide a controlled consent.
This website uses cookies to improve your experience while you navigate through the website. Out of these, the cookies that are categorized as necessary are stored on your browser as they are essential for the working of basic functionalities of the website. We also use third-party cookies that help us analyze and understand how you use this website. These cookies will be stored in your browser only with your consent. You also have the option to opt-out of these cookies. But opting out of some of these cookies may affect your browsing experience.
Necessary cookies are absolutely essential for the website to function properly. These cookies ensure basic functionalities and security features of the website, anonymously.
Cookie
Duration
Description
cookielawinfo-checkbox-analytics
11 months
This cookie is set by GDPR Cookie Consent plugin. The cookie is used to store the user consent for the cookies in the category "Analytics".
cookielawinfo-checkbox-functional
11 months
The cookie is set by GDPR cookie consent to record the user consent for the cookies in the category "Functional".
cookielawinfo-checkbox-necessary
11 months
This cookie is set by GDPR Cookie Consent plugin. The cookies is used to store the user consent for the cookies in the category "Necessary".
cookielawinfo-checkbox-others
11 months
This cookie is set by GDPR Cookie Consent plugin. The cookie is used to store the user consent for the cookies in the category "Other.
cookielawinfo-checkbox-performance
11 months
This cookie is set by GDPR Cookie Consent plugin. The cookie is used to store the user consent for the cookies in the category "Performance".
viewed_cookie_policy
11 months
The cookie is set by the GDPR Cookie Consent plugin and is used to store whether or not user has consented to the use of cookies. It does not store any personal data.
Functional cookies help to perform certain functionalities like sharing the content of the website on social media platforms, collect feedbacks, and other third-party features.
Performance cookies are used to understand and analyze the key performance indexes of the website which helps in delivering a better user experience for the visitors.
Analytical cookies are used to understand how visitors interact with the website. These cookies help provide information on metrics the number of visitors, bounce rate, traffic source, etc.
Advertisement cookies are used to provide visitors with relevant ads and marketing campaigns. These cookies track visitors across websites and collect information to provide customized ads.