Tuesday, April 28, 2026


Your Daily News Update About CALABARZON and Beyond.
ISSN 2799-1911

Home Blog Page 740

Peace talks sa pagitan ng mga opisyal ng Russia at ng delegasyon ng Ukraine, nakatakda

0

Nakatakdang magpulong ang mga opisyal ng Russia at ang delegasyon ni Ukrainian President Volodymyr Zelensky sa isang lugar na malapit sa Pripyat River sa Belarus.

Nauna nang iminungkahi ng Russia na isagawa ang pag-uusap sa Gomel, isang lungsod ng Belarus malapit sa border ng Ukraine.

Hindi tinukoy sa tugon ng Ukraine kung kailan magaganap ang pulong.

Kasabay nito, sinabai ng tanggapan ni Zelensky na nangako si Belarusian President Alexander Lukashenko na ang lahat ng mga eroplano, helicopter at missile na nakatalaga sa Belarus ay mananatili sa lupa sa panahon ng paglalakbay, pag-uusap at pagbabalik ng delegasyon ng Ukraine, ayon sa ulat ni Frank Langfitt ng NPR.

Samantala, iniutos ni Vladimir Putin na ilagay sa high alert ang mga nuclear deterrence forces ng Russia.

Sinabi ng pangulo ng Russia na ang mga agresibong pahayag ng mga pinuno ng NATO at mga parusa sa ekonomiya laban sa Moscow ang nasa likod ng desisyon.

Ang nabanggit na utos ay  nagpapataas ng pangamba na ang pagsalakay sa Ukraine ay maaaring humantong sa nuclear war, sinadya man o aksidente.

Soc med accounts sa likod ng fake ‘sabungero’ photos nakilala na

Natunton na ng Philippine National Police-Anti-Cybercrime Group (PNP-ACG) kahapon ang mga may-ari ng limang Facebook account na nag-post ng mga mapanlinlang na larawan tungkol sa imbestigasyon sa mga nawawalang sabungero.

Batay sa ulat na isinumite ni Col. Froiland Lopez, hepe ng Cyber ​​Patrollers and Investigation Unit, ang mga post ay ginawa nina Shierna Rose Amparado, Candice Delatorre, Anthony Dela Pena, Vincelou Mendigo Oludnacatab (Lou), at Grace Gucman Panes.

Ang mga bangkay umano ng 31 nawawala ay natagpuan sa Tanay, Rizal.

Sa isang pahayag, sinabi ni PNP-ACG Chief Brig. Gen. Robert Rodriguez na ang mga larawang kumakalat sa social media ay kuha mula sa isang insidente ng pananambang sa Barangay Kalumanis, Guidulungan, Maguindanao, kung saan siyam ang namatay noong Pebrero 12.

“As the ACG continues to intensify its campaign against cybercriminals, I would like to once again remind the public to use social media responsibly and to avoid the spreading of fake news as disinformation only adds up to the emotional struggle and anguish of the family of the missing persons. Our cyber patrollers will continue to monitor daily and the authors in the spreading of fake news will be investigated,”ayon kay Rodriguez.

Hiniling ni Interior Secretary Eduardo Año sa mga taong may impormasyon sa 31 nawawalang mahilig sa sabong na makipagtulungan sa mga awtoridad.

“Sa tingin ko, maso-solve na rin ito sa lalong madaling panahon. Ang hinihintay lang natin dito lumabas pa ‘yung witnesses. Sobra na ito dahil 31 buhay ito at 31 pamilya ang naapektuhan at naghahanap ngayon at hindi makatulog,’’ ayon kay Año sa isang panayam sa radyo.

Nauna dito, sinabi ng PNP na ang mga pekeng post ay mistulang pagtatangka na idiskaril ang imbestigasyon.

Nagbukas na rin ng inquiry ang Senado habang nanawagan ang ilang mambabatas sa Philippine Amusement and Gaming Corporation na suspindihin ang lisensya ng mga electronic sabong operator habang hinihintay ang resulta ng imbestigasyon.

Cavite at Laguna sa Region 4-A nasa Alert Level 1 na mula Marso 1-15

0

Inaprubahan ng Inter-Agency Task Force (IATF) kanina ang paglalagay sa mga sumusunod na lugar sa ilalim ng Alert Level 1 simula Marso 1 hanggang 15:

• Abra, Apayao, Baguio City and Kalinga in the Cordillera Administrative Region;

• Dagupan City, Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union at Pangasinan sa Region I;

• Batanes, Cagayan, City of Santiago, Isabela, at Quirino sa Region II;

• Angeles City, Aurora, Bataan, Bulacan, Olongapo City, Pampanga, at Tarlac sa Region 3;

• Cavite at Laguna sa Region 4-A;

• Marinduque, Puerto Princesa City, at Romblon in Region 4-B; at

• Naga City at Catanduanes sa Region 5.

Sa Visayas, nasa ilalim din ng Alert Level 1 ang:

• Aklan, Bacolod City, Capiz, at Guimaras sa Region 6;

• Siquijor sa Region 7; at

• Biliran sa Region 8.

sa Mindanao, ang mga sumusunod ay inilagay din sa Alert Level 1:

• Zamboanga City sa Region 9;

• Cagayan de Oro City at Camiguin sa Region 10; at

• Davao City sa Region 11

13 Filipino evacuees mula sa Ukraine nakapasok na sa border ng Poland

0

Dumating na Rava-Ruska-Hrebenne Border Crossing Station sa Poland ang 13 Filipino evacuues mula sa Ukraine. Sinalubong sila ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. kasama ni Assistant Secretary for European Affairs Jaime Victor Ledda.

Ang mga evacuees ay pinangunahan ni Philippine Ambassador to Poland Leah Basinang-Ruiz, na siyang namamahala sa pagpapauwi ng mga Pilipino sa Ukraine.

“We are on high-alert 24/7 to ensure that Filipinos are safe in this conflict. Our embassies in Poland and Hungary have been working hard these past days to account for each Filipino in Ukraine, and to repatriate them as soon as possible. Our people only need to ask, and we will get them home safe,” ayon kay Locsin.

Hinimok ng DFA ang mga Pilipino na kasalukuyan pang nasa Ukraine na mag-ingat at manatiling mapagbantay.

Pinaalalahanan din sila na makipag-ugnayan kaagad sa Philippine Embassy team sa Lviv o sa Consulate General sa Kyiv kung kailangan nila ng tulong.

Libo libong tao ang tumatawid sa border patungo sa Poland upang makatakas sa digmaan sa Ukraine

Mayor sa Quezon, nakaligtas sa ambus

0

Infanta, Quezon. Nakaligtas si Mayor Filipina Grace America ng Infanta, Quezon sa isang ambush attempt pasado alas dose ng tanghali kanina, ayon sa Facebook post ng Police Community Affairs and Development Group-Calabarzon.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon ni PMS Ireneo Luza ng Infanta Municipal Police Station, narekober sa lugar ng pinangyarihan ang pitong basyo ng bala mula sa hindi pa malamang kalibre ng baril.

Dumalo lang sa isang misa si Mayor Amerika at nasa loob ng kanyang sports utility vehicle nang paputukan siya ng hindi pa nakikilalang mga suspek, ayon sa report ni Infanta MPS Officer-in-charge PCapt. Higardo V. Sapiera.

Sinabi ni Quezon Governor Danilo Suarez sa ABS-CBN News na dinala si Mayor Amerika sa Claro M. Recto Memorial Hospital ngunit inilipat din agad sa isang ospital sa Metro Manila.

Humingi ng panalangin ang munisipyong Infanta at kinondena ang insidente, ayon sa isa pang post sa Facebook.

Ang Roman Catholic Prelate of Infanta, sa pamamagitan ni Bishop Bernardino Cortez, ay naglabas din ng pahayag, na nagsabing hindi kailanman malulutas ng karahasan ang mga sigalot.

48 na iligal na sabungero, inaresto ng Laguna PNP

0

Sta. Cruz, Laguna. Dinakip sa aktong nagtutupada ng Laguna PNP sa magkakabukod na anti-illegal gambling operations ang 48 na sabungero kahapon.

Ayon sa ulat na nakarating sa opisina ni Laguna Provincial Director, PCol. Rogarth B Campo, nagsagawa ng operasyon ang mga operatiba ng Laguna PNP kontra iligal na sugal (tupada), na nagresulta sa pagkakadakip sa 48 katao habang naaktuhan sa iligal na tupadahan noong Pebrero 26, 2022.

Ayon sa report, isang sumbong ang natanggap ng Laguna Police hinggil sa tupada na isinasagawa sa Purok 1, Sitio Kabaritan, Barangay Sto. Domingo, Bay, Laguna. Agad na nagsagawa ng operasyon ang Laguna Provincial Special Operation Unit (PSOU) sa pamumuno ni PMaj. Jose Barce Tucio kasama ang Bay Police Station at nahuli sa aktong nagtutupada ang apatnaput apat (44) na iligal na magsasabong.

Kasabay nito ay nadakip ding Santa Rosa City Police Station sa pamumuno ni PLt. Col. Paulito Sabulao ang apat (4) na sabungero sa isang iligal na tupada  sa isang bakanteng lote sa Progressive Subd., Brgy. Tagapo, Sta. Rosa City.

Nahuli ang apatnaput walong sabungero sa loob ng isang araw sa lalim ng nabanggit na anti-illegal gambling operations ng Laguna PNP.

Nakumpiska sa mga naaresto ang apat (4) na buhay na manok na panabong, walong patay na tandang, apat (4) na tari, at mahigit na Php 38,970 na perang pamusta.

Ang mga inaresto ay kasalukuyang nakapiit sa mga police station na nakasasakop habang iginagayak ang kasong paglabag sa Presidential Decree (P.D.) 1602 sa Prosecutor’s office, ayon sa ulat na ipinahatid sa tanggapan ni Laguna Provincial Director, PCol. Rogarth B. Campo.

“Ito ang patunay na seryoso ang Laguna PNP sa pagsagawa ng mga operasyon laban sa mga iligal na tupada sa buong lalawigan ng Laguna,” ayon kay Campo.

Mayor ng Infanta, inambus ng riding in tandem

0

Infanta, Quezon.  Inambus ng ang mayor sa bayang ito bandang 11.15 ng umaga kanina.

Si Filipina Grace Ruanto Amerika, 38 anyos at kasalukuyang mayor ng nabanggit na bayan ay sakay sa kanyang Chevrolet Trailblazer ng pagbabarilin ng mga hindi pa nakikilalang suspek na sakay sa isang motorsiklo.

Isinugod sa Claro M. Recto ang mayor Hospital sa nabanggit na bayan ngunit agad ding inilipat sa isang ospital sa Maynila.

Ayon sa paunang imbestigasyon ng Infanta Municipal Police Station, galing sa Disciple Church ang mayor noong siya ay tambangan. Nakuha sa lugar ng pinangyarihan ang 2 slug at 6 na basyo ng bala ng hindi pa malamang kalibre ng baril.

Wala pang bagong detalye tungkol sa kalagayan ng mayor.

Infanta Mayor Filipina Grace Ruanto Amerika

DOH: Estable ang supply ng vax sa PH vax ngunit nakikita ang pagtaas ng gastos sa shipping

0

Makakaapekto sa supply ng bakuna sa bansa ang krisis sa Europe kasunod ng pagsalakay ng Russia sa Ukraine sapagkat karamihan sa mga ito ay galing sa mga western countries, malamang na tumaas ang mga gastos sa transportasyon, ayon sa Department of Health (DOH) kahapon.

“As of now, we do not see any problem in terms of the other vaccines except that siguro baka tumaas in terms of the transport… baka tumaas iyong presyo kasi nga iyong pag-transport, etc. But I’m sure we will be able to manage basta naayos na iyong ating mga contract agreements,” ayon kay Health Undersecretary Myrna Cabotaje sa Laging Handa briefing noong siya ay tanungin kung paano makakaapekto ang Ukraine-Russian was sa delivery ng mga bakuna.

Noong Pebrero 24, tumaas ang presyo ng langis ng mahigit na USD100 kada bariles matapos maglunsad ang Russia ng military assault laban sa Ukraine.

Sa kasalukuyan, sinabi ni Cabotaje na nasa track pa rin ang mga delivery ngunit may ilang mga pagkaantala sa pagpapadala ng mga bakuna para sa lima hanggang 11 taong gulang.

“May kaunting aberya but naayos na iyan in terms of the payments. So imbes na may dadating na 1.6 million. We hope na on track pa rin iyong pagbigay ng ibang shipment ng ating five to eleven years old na bakuna. But iyong ating mga ibang bakuna, iyong ating adult na Pfizer ay on track naman po iyan,” dagdag niya.

Samantala, nabanggit niya na ang bansa ay walang plano na bumili ng dagdag na bakunang Sputnik V dahil ang mga supply para sa mga jab na gawa sa Russia ay “sapat” na.

11 Pinoy crew sa binombang bulk carrier, ligtas at hindi nasaktan

0

Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) na ligtas ang lahat ng 11 Filipino na sakay ng bulk carrier na binomba noong Huwebes, 50 milya sa timog ng baybaying dagat ng Odessa, ang port city ng Ukraine.

Binabanggit ang personnel relations officer ng Turkish-owned at Marshall Islands-flagged Yasa Jupiter na “lahat ng crew members na sakay, kabilang ang 11 Filipino, ay hindi nasaktan at ligtas”.

Nakipag-ugnayan na ang mga Pilipino sa kanilang mga pamilya.

“On the reported Turkish-owned ship with Filipino crew members that was hit by a bomb off the coast of Ukraine’s port city of Odesa, the Philippine Embassy in Ankara and the Philippine Consulate General in Istanbul are jointly coordinating with Yasa Holding, the Turkish owner of the ship,” ayon sa DFA sa statement nito kahapon.

Dumaong ang bulk carrier na Yasa Jupiter sa isang shipyard sa Yalova, isang probinsya sa timog ng Istanbul, noong Biyernes ng umaga.

Ayon sa mga ulat na binanggit ang Turkish General Directorate of Maritime Affairs, ang barko ay tinamaan ng isang bomba nang simulan ng Russia ang pag-atake nito sa Ukraine.

“The ship has no request for help, is en route to Romanian waters, has no casualties and is safe,” ayon Twit ng opisyal ilang sandali matapos ang pambobomba.

Ayon sa mga paunang ulat ng Marshall Islands Maritime Administrator, nagkaroon ng malaking pinsala sa lugar ng deck at tulay na sanhi ng isang projectile.

Kaugnay nito, ang cargo ship na pag-aari ng Japanese na Namura Queen ay iniulat din na tinamaan ng rocket sa Ukraine sa Black Sea noong Biyernes, na ikinasugat ng isa sa 20 Filipino crew nito.

Pagpapahid ng abo sa noo, pinayagan sa Ash Wednesday ngayong taon

0

Pinayagan ng Simbahang Katoliko ang pagmamarka ng mga krus sa noo ng mga mananampalataya sa pagdiriwang ng Ash Wednesday, ang simula ng panahon ng Kuwaresma.

Batay sa mga alituntunin na inilabas ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines-Episcopal Commission on Liturgy (CBCP-ECL) na may petsang Pebrero 22 ngunit isina publiko lamang kahapon na muling magpapahid ng abo ang mga pari sa noo ng mga nagsisimba bilang tanda ng krus.

“The formula for the imposition of ashes ‘Repent, and believe in the Gospel,’ or ‘Remember that you are dust, and to dust you shall return’ is said only once applying it to all in general. We will revert to the imposition of ashes on the forehead of the faithful,” ayon sa bahagi ng statement na nilagdaan ni ni Commission’s chairperson, Bishop Victor Bendico.

Idinagdag nito na ang pagwiwisik ng abo sa ulo, na naging kaugalian sa gitna ng coronavirus disease 2019 (Covid-19) pandemic, ay isang opsyon.

“The sprinkling of ashes on the crown will remain an option. We have been reminded last year that this option is an ‘opportunity to catechize our people on both the penitential and baptismal characters of the Lenten season…,” ayon sa pahayag.

Sa taong ito, ang Ash Wednesday ay bumagsak sa petsang Marso 2.

Kasabay nito, tiniyak ng Simbahan na ipagpapatuloy nila ang mahigpit na pagpapatupad ng health protocols sa mga kaganapan sa simbahan sa pagdiriwang ng Kuwaresma.

“We abide by the stringent policy of the government on social distancing and the use of face masks during church services. We continue to sanitize our churches every after liturgical celebrations and provide alcohol for the sanitation of our faithful,” ayon pa rin sa pahayag.

Kung papayagan ang mga prusisyon, dapat itong makipag-ugnayan sa lokal na pamahalaan at mga opisyal ng barangay.

“We limit the route of the processions through roads or streets that will allow greater possibility for social distancing. Procession marshals are necessary to maintain the safe distance of the participants of the processions,” ayon sa CBCP.

“It is not recommended to use ‘carosas’ or ‘andas’ which need to be carried by people because this will not ensure social distancing of those who carry these platforms. It is safer to put the images on a motor vehicle instead of those carried by people. We take great care not to give an opportunity for our faithful to congregate outside their homes. These suggestions should be omitted where strict lockdown is enforced” batay sa pahayag.

Para naman sa mga popular na debosyon tulad ng “Pabasa”, sinabi ng CBCP na maaaring organisahin ito kung isasaalang-alang ang pagsunod sa mga health protocols.