Tuesday, April 28, 2026


Your Daily News Update About CALABARZON and Beyond.
ISSN 2799-1911

Home Blog Page 746

Bongbong Marcos, Sara Duterte niligawan ang mga botante ng Caloocan

0

Nangampanya ang standard bearer ng Partido Federal ng Pilipinas na si Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at ang kanyang running mate na si Sara Duterte vote rich na Caloocan City kahapon.

Nagsimula ang kanilang campaign sortie sa isang morning motorcade sa paligid ng lungsod at nagtapos sa isang grand campaign rally sa north Caloocan bandang alas-8 ng gabi.

Ang tandem ay inendorso ni incumbent Mayor Oscar “Oca” Malapitan, na tumatakbo rin bilang kongresista ng 1st district ng lungsod.

Sa kanyang talumpati, muling iginiit ni Marcos ang kanyang panawagan na magkaisa ang bansa, na sinasabing ito ang paraan upang makamit ang isang magandang kinabukasan para sa mamamayang Pilipino.

“Kailangan natin ang tulong ng lahat… Sa aking palagay ay napakalaki ng problema, kailangan natin na tayong lahat ay magkaisa upang sabay-sabay na harapin kung anumang hamon na darating sa Pilipinas,” ayon sa kanya.

Nangako naman si Duterte na ipagpapatuloy niya ang mga programang sinimulan ng kanyang ama na si Pangulong Rodrigo Roa Duterte, kabilang ang “Build, Build, Build” at kampanya laban sa krimen at ilegal na droga.

Survey ng PUBLiCUS Asia: Ekonomya ng PH, trabaho: nangungunang isyu sa halalan

0

Nangunguna ang ekonomiya at trabaho sa mga isyu sa halalan sa Pilipinas, ayon sa pinakabagong pambansang survey ng PUBLiCUS Asia Inc.

Ang PAHAYAG: National Election Tracker Survey na isinagawa sa pagitan ng Pebrero 11-16 ay nagpakita na 65 porsiyento ng 1,500 rehistradong Filipino voter respondents ay nagsabing na ang ekonomiya ng Pilipinas ay isa sa kanilang nangungunang tatlong isyu na mahalaga sa darating na halalan sa Mayo 2022.

Mahigit sa isang-katlo ng mga sumasagot (36 porsyento) ang tinitingnan ang ekonomiya bilang kanilang numero unong alalahanin.

Samantala, 56 porsiyento ng mga respondent ang nagtukoy ng mga trabaho ay isa sa kanilang nangungunang tatlong alalahanin. Edukasyon (34 porsiyento), kahirapan (24.4 porsiyento), at katiwalian (23.8 porsiyento) ang iba pang nangungunang isyu sa mga respondent.

“Mukhang nangunguna sa isipan ng mga botante ang mga isyu sa ekonomiya at kabuhayan pagdating sa halalan sa Mayo 2022. Ang data ay nagmumungkahi na ang mga botante ay interesadong matuto nang higit pa tungkol sa mga pang-ekonomiyang plataporma ng mga kandidatong naglalaban para sa mga pambansang posisyon,” sabi ni Aureli Sinsuat, executive director ng PUBLiCUS Asia Inc.

Sinabi ni Sinsuat na ang mga alalahanin ng mga botante tungkol sa ekonomiya at trabaho ay malamang na bunga ng paghina ng ekonomiya na naranasan ng Pilipinas nang tumama ang Covid-19 sa kapuluan noong unang bahagi ng 2020.

“Habang patuloy na bumubuti ang sitwasyon ng Covid-19 sa Pilipinas, gustong malaman ng mga botante kung paano pinaplano ng mga naghahangad na pinuno ng bansa na ibalik ang ekonomiya sa landas sa panahon ng post-pandemic,” ayon kay Sinsuat.

Hinikayat din ni Sinsuat ang mga kandidatong tumatakbo para sa pambansang posisyon na maglabas ng detalyadong impormasyon sa kanilang mga plano upang pasiglahin ang pagbangon ng ekonomiya at paglikha ng trabaho sa susunod na anim na taon.

“Voters have the right to make informed decisions on Election Day based on the economic platforms championed by candidates for higher office. Candidates for higher office should be ready and willing to answer tough questions over the next couple of months about their proposed economic policies,” ayon sa kanya.

Ang PAHAYAG National Election Tracker Survey ay isang independent non-commissioned national survey na isinagawa ng PUBLiCUS Asia Inc. Ang mga miyembro ng purposive survey panel ay random na pinili mula sa online research panel marketplace ng 200,000 Filipino na pinananatili ng Singapore office ng US-based PURESPECTRUM, batay sa mga parameter na itinakda ng opisyal na istatistika ng Comelec sa mga rehistradong botante.

Ang mga karagdagang resulta ng survey sa voter preference para sa Presidente, Bise Presidente, at Senador ay gagawing available sa publiko sa premiere ng Ulat sa Halalan ng PAHAYAG sa Lunes sa opisyal na YouTube channel ng PUBLiCUS Asia.

Malawakang anti-illegal drugs ops ng Laguna PNP-PDEA: 9 na suspek arestado

0

Sta. Cruz, Laguna. Dinakip ng Laguna PNP kahapon ang siyam na hinihinalang drug pusher sa magkakahiwalay na malawakang drug buy-bust operations sa lalawigan ng Laguna.

Kabilang sa mga inaresto ang isang suspek na kinilalang si Antonio Parica alyas Doc, 32 anyos na resident of Brgy. Duhat, Sta Cruz, Laguna. Nakuha sa kanya ng ng mga tauhan ng Sta Cruz Municipal Police Station (MPS) and PDEA Laguna ang anim na sachet ng hinihinalang shabu. 

Hinuli din mga miyembro ng PSOG kasama ang Drug Enforcement Unit (DEU) ng San Pablo City Police Station at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) 4A si Michael John Mirasol, 24 anyos na resident of Brgy. San Ignacio, San Pablo City. Nakumpiska sa kanya ang apat na sachet na naglalaman ng hinihinalang bulaklak ng Marijuana.

Sa Pila, Laguna, nasakote ng mga elemento ng PILA Municipal Police Station sa Brgy. Linga si Alfie Sababan, 32 anyos na driver at naninirahan sa Brgy. Labuin. Nahalughog sa kanya ang dalawang sachet ng pinag susupetsahang shabu.

Dinakip din ng mga tauhan ng Calamba City Police Station (CPS) at grupo ng PDEA Laguna si Roy Manalo, 44 anyos na construction worker at resident ng Brgy. 2, sa nabanggit na lungsod. Nakumpiska sa kanya ang 2 sachet na naglalaman ng 2 gramo ng hinihinalang shabu.

Kasabay ng mga ito ay inaresto din ng Cabuyao CPS sa Brgy. Mamatid, Cabuyao City ang isang menor de edad na suspek na nakuhanan ng isang sachet ng pinaniniwalaang shabu.

“Katuwang ang LGUs, PDEA at komunidad ay patuloy po naming isasagawa ang mga operasyong ito upang masugpo ang iligal na droga sa ating probinsiya, dahil ang laban kontra iligal na droga ay laban nating lahat,” ayon kay Laguna PPO Acting Provincial Director PCOL Rogarth B. Campo.

Pulis, arestado sa tangkang pagnanakaw

0

Gloria, Oriental Mindoro. Inaresto ng mga barangay Tanod enforcers ang isang pulis na nagtangkang magnakaw sa isang hardware sa Barangay Sta. Maria, bayang ito noong Biyernes ng gabi.

Ayon sa mga salaysay ng mga tanod na sina Jay Semilla at Nicole Pilapil, sila ay nagsasagawa ng regular na pag papatrol sa lugar ng makarinig sila ng ingay mula sa loob ng ABC3 Hardware na pag aari ng isang nagngangalang Allan Mantaring.

Nakakita sila ng mga pliers, screwdrivers at martilyo na hinihinalang ginamit upang sirain ang doorknob ng hardware.

Kasunod nito ay lumabas malapit sa lugar ng tindahan ang isang lalaki na agad nilang inaresto. Kinilala ang lalaki na si Cpl. Leonell Maranan na napag alamang miyembro ng Technical Support Company ng Regional Mobile Force Battalion.

Si Maraan ay isinuko ng mga tanod sa lokal na police station, ayon sa report na ipinadala sa Police Regional Office Mimaropa.

Dagdag na Pfizer dose na binili ng PH sa pamamagitan ng World bank

0

Tumanggap ng mga 455,130 dosis ng bakunang Pfizer ang Pilipinas noong Huwebes ng gabi, Pebrero 17, na ilalaan sa pagbabakuna ng mga indibidwal na 12 anyos hanggang pataas.

Ang mga COVID-19 jab ay binili ng gobyerno na may suporta sa pagpopondo mula sa World Bank.

Sa isang panayam kasunod ng pagdating ng mga bakuna, sinabi ng National Task Force against COVID-19 medical consultant na si Dr. Ma. Paz Corrales na ang pinakahuling shipment na ito ay nagdala ng supply ng bakuna sa bansa sa 223,684,950 doses.

Ayon kay Corrales, may kabuuang 2,666,272 vaccine doses o 53.5% ng mahigit 5 ​​milyong COVID-19 jabs na na-target na ibigay sa ikatlong round na National Vaccination Days ang naibakuna mula noong Pebrero 10.

“This is the time to tell the parents na pabakunahan ang ating mga anak…para maging possible na ‘yung face-to-face school opening also for our economy and back to the new normal,” ayon sa kanya.

Sa kasalukuyan, ginagawa ng gobyerno ang ‘new normal’ roadmap na inaasahang matatapos sa unang linggo ng Marso at ihaharap kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

Php 85K na shabu, nakumpiska ng Laguna PNP sa isang trike driver

0

Sta. Cruz, Laguna. Inaresto kahapon ang isang tricycle driver na hinihinalang drug pusher sa ilalim ng drug buy-bust operations na isinagawa ng Sta. Cruz Municipal Station (MPS) sa pangangasiwa ni PLTCol Paterno L. Domondon.

Si Mark Joven Olvido, 32 anyos, tricycle driver at residente ng Brgy. Duhat, sa bayang ito, ay nahulihan ng limang sachet ng pinag susupetsahang shabu na tumitimbang ng 12.5 gramo na tinatayang nagkakahalaga ng Php 85,000..

Sa isa pang bukod na drug buy-bust operations, nadakip naman ng mga tauhan ni PLTCol Arnel L. Pagulayan ng Calamba MPS si Armando Aragon alyas Mokong, 24 anyos at Conrado Sabghel, 51 anyos na construction worker na pawang mga naninirahan sa Brgy. 2, Calamba City.

Nakumpiska sa kanila ang apat na sachet ng hinihinalang shabu na tinatayang nagkakahalaga ng Php 13, 600. 

Ang mga arestadong suspek ay kakasuhan ng paglabag sa R.A. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 samantalang dadalin sa Crime Laboratory Office ang mga ebidensya na nakuha sa kanila upang isalalim sa forensic examinations, ayon sa report ni Laguna Police Acting Provincial Director PCOL Rogarth B. Campo kay Calabarzon Regional Director PBGEN Antonio C. Yarra.

“We remain steadfast in our campaign against illegal drugs. I highly encourage our kababayan to actively participate in this endeavor to save their families from the crimes that could be committed by these drug personalities,” ayon sa tagubilin ni Campo.

Trabahao para sa mga OFW, naghihintay sa Qatar

0

Hinihintay ng mga oportunidad sa trabaho ang mga migranteng manggagawa sa Qatar dahil ito ang host nation ng isang internasyonal na kaganapan sa Nobyembre, ayon sa ulat ng Philippine Overseas Labor Office (POLO) sa Doha kahapon.

Ayon kay Labor Attache Adam Musa, sa isang virtual forum, mas maraming trabaho sa sektor ng turismo at hospitality ang mabubuksan sa Qatar  sa pagho-host nito ng FIFA World Cup ngayong taon.

“As of this moment, the in demand is the hospitality industry because of the need of FIFA, also in retail outlets, tourism-related sector. Tourism industry is a good prospect that would positively impact our workers’ community, because Qatar is also inviting more tourists even after FIFA, and they will continue to sponsor world events,” ayon sa opisyal ng Department of Labor and Employment (DOLE).

Sinabi ni Musa na kumbinsido siya na ang pagdaraos ng sporting event ay makakatulong na mapabuti ang ekonomiya ng host nation at lilikha ito ng mga trabaho.

“It would totally improve their economy. Infuse more revenue because of this world event,” ayon sa kanya.

Sinabi ni Musa na sa kasalukuyang ay nagpo-proseso sila ng 250 kontrata sa trabaho kada araw.

“In 2020 for a period of six months we were able to process about 3,000 workers. But now, every month more or less about 3,000. Based on that statistics, we will see there are workers who are returning and also new workers compared to 2020 figures, what I’m reporting is our 2021 figures. The gap is quite far so it proves that their economy is booming and the demand for Filipino workers is increasing,” dagdag pa niya.

Humigit-kumulang na 250,000 ang overseas Filipino worker (OFWs) sa bansang Arabo, karamihan sa kanila ay mga household service worker (HSWs).

“About 130,000 plus are domestic workers. The rest are professionals, highly skilled, semi-skilled,” ayon sa kanya.

Ang minimum na suweldo ng mga Pilipino doon ay 1,500 riyals o USD400. (humigit kumulang na PHP20,000).

“For highly skilled workers such as engineers, they receive PHP50,000 or more,” ang pagtatapos ni Musa.

Sen. Manny Pacquiao, bumisita sa San Pablo City

0

San Pablo City, Laguna. Bumisita sa lungsod na ito si Senator Manny Pacquiao, ang standard bearer ng partidong Promdi. 

“Korapsyon ang siyang dahilan kaya ako tumatakbo, yan ang misyon ko, ang ipagtanggol ang maliliit, ang mahihirap na tao mula sa korapsyon,” ayon sa kanya sa isang campaign rally na ginanap sa Sampalok Lake boardwalk sa nabanggit na lungsod.

Sakaling mahalal na pangulo, nangako si Pacquiao na iparerebisa niya ang mga kontrata ng gobyerno sa private sectors upang mabantayan ang katiwalian.

Kasama ni Pacquiao si PJ Estrellado na kandidatong Board Member sa Laguna 3rd District sa ilalim ng partidong Promdi. Si Estrellado ay naging pangulo ng Junior Chamber of the Philippines (JCI).

“Narating po natin ang Cagayan, Isabela, Bataan, Bohol, Basilan, Zamboanga, Tawi-Tawi upang maglingkod at maghatid ng tuloy tuloy na solusyon sa mga isyung pambayan sa ilalim ng mga programa ng JCI. Ngayon po ay nais kong alayan ng aking paglilingkod ang ikatlong distrito ng Laguna, kung inyo pong mamarapatin. Ito po ang pagkakataon upang ang isang PJ Estrellado mula sa pribadong sektor ay maging isang lingkod-bayan,” ayon naman sa mensahe ni Estrellado.

Bumisita din si Pacquiao sa tanggapan ni San Pablo City Mayor Amben Amante sa kapitolyo ng nabanggit na lungsod kung saan ay kumuha siya ng permit upang makapagsagawa ng kampanya, sang ayon sa panuntunan ng Comelec.

AGP Institutionalization Status, iginawad sa 80th Infantry Battalion

0

Baras, Rizal. Nakamit ng 80th Infantry (Steadfast) Battalion ng 2nd Infantry (Jungle Fighter) Division ng Philippine Army sa pamumuno ni Col. Bernard Zildo S. Fernandez ang pagkilala bilang ganap na Institutionalized Stage Status na bahagi ng Army Governance Pathway (AGP) Conferral ng Army Transformation Roadmap ng Hukbong Katihan ng Pilipinas. 

Kasabay nito,ginawaran din ang nabanggit na infantry regiment ng 80IB ng ‘Silver Trailblazer Award’ na inaprubahan ng Himpilan ng Hukbong Katihan ng Pilipinas sa ilalim ng pamumuno ni LtGen. Romeo Saturnino Brawner, Jr., noong Disyembre 17, 2021.

Ipinaalala ni Fernandez na ang Army Governance Pathway (AGP) na bahagi ng pagpapatupad ng Army Transformation Roadmap (ATR) ay unang pinasimulan noong taong 2010  kung saan itinakda sa taong 2028 na maging “Isang ganap na world-class Army ang Hukbong Katihan ng Pilipinas na maipagmamalaki ng sambayanang Pilipino.” 

Noong nakalipas na taong 2016, sinimulan ng pamunuan ng Philippine Army (PA)  ang magkaroon ng sapat na mga kagamitan. Dahil dito ay kinikilala ito sa buong Timog-Silangang Asya, ayon kay Fernandez. 

Sa taong kasalukuyan, sa tulong at pakikiisa ng mga mga stakeholders, makaaasa ang sambayanang Pilipino sa ganap na modernong at respetadong hukbo na laging maaasahan, mamahalin at susuportahan ng taong bayan, dagdag pa niya.

Binanggit din ni Fernandez ang Philippine Army Multi-Sectoral Advisory Board o PA-MSAB, mga tagapayo mula sa mga ahensya ng pamahalaan na may layuing tumulong para tunay na pagbabago sa hanay ng Hukbong Katihan ng Pilipinas. Dahil dito ayon sa kanya ay nagdulot ng mga karangalan ang kabayanihan at katapatan sa sinumpaang tungkulin ng mga kasundaluhan. 

“Lubos akong nagpapasalamat sa lahat ng mga local chief executives, religious leader at iba-pang mga ahensya ng pamahalaan kaisa ang bawat mamamayan sa nasasakupan ng yunit, at sa mga miyembro ng STEADFAST Troopers sa kanilang aktibong pakikipagtulungan at pagpupunyagi sa pagsusulong ng katahimikan, katiwasayan tungo sa patuloy na pag-unlad ng bawat pamayanan,” ayon sa mensahe ni Col. Fernandez.

Apat na Most Wanted Persons, arestado sa manhunt ops ng Sta. Cruz PNP

0

Sta. Cruz, Laguna. Arestado sa isang manhunt operations ng Santa Cruz Municipal Police Station sa ilalim ng direktang pangangasiwa ni Officer-in-Charge PLTCOL Paterno L. Domondon Jr. ang apat na Most Wanted Persons na sina Jerry Valenzuela, 43 taong gulang na construction worker at residente ng Brgy. Oogong, Santa Cruz, Laguna; Brian Balatian, 41 taong gulang na construction worker at residente ng Brgy. San Jose, Rizal; Louie Balatian, 46 taong gulang, na security guard at residente ng Brgy. Poblacion 2, Alaminos, Laguna; Hanny Villegas, 45 taong gulang, walang trabaho at residente ng Brgy. Bagong Silang, Real, Quezon.

Ang mga nabanggit na akusado na Rank No. 5, 6, 7, at 8 sa Regional Level PRO CALABARZON ay dinakip noong Pebrero 17, 2022 sa Mabini St., Brgy. Poblacion 3, Santa Cruz, Laguna sa bisa ng Warrant of Arrest  hinggil sa kasong murder na inisyu ng Regional Trial Court, Branch 28, Santa Cruz, Laguna.

Kasalukuyang nasa custodial facility ng Santa Cruz MPS ang mga nabanggit na wanted persons at aabisuhan ang court of origin sa pagkaka aresto sa kanila, ayon sa ulat ni Laguna Police Acting Provincial Director PCOL Rogarth B. Campo kay CALABARZON Regional Director PBGEN Antonio C. Yarra. 

“The arrest of these wanted persons is part of our continuous campaign against criminality. Mga taong katulad nila na dapat harapin ang mga nilabag nilang batas sa Republika ng Pilipinas,” ayon kay Campo.