Monday, April 27, 2026


Your Daily News Update About CALABARZON and Beyond.
ISSN 2799-1911

Home Blog Page 769

3 suspek sa illegal drugs, huli sa buy-bust ops ng Laguna PNP

0

Calamba City, Laguna.  Nadakip ng Laguna PNP ang tatlong drug suspects sa dalawang magkakahiwalay na operasyon, batay sa ulat ni  Laguna Police Acting Provincial Director PCOL Rogarth B. Campo kay CALABARZON Regional Director PBGEN Eliseo C. Cruz kahapon.

Inresto sa ilalim ng operasyon ni Calamba City Police Station sa pnagngasiwa ni PLTCOL  Arnel L. Pagulayan  si Jose Avelino Lacanlale, 51 anyos at ang asawa nitong si Imelda Lacanlale alyas Dang, 48 anyos at pawang mga residente ng Brgy. 3, Calamba City. Sila ay nadakip matapos magbenta ng iligal na droga sa pulis na umaktong poseur buyer sa isang operasyon sa Lazaro Compound, Brgy. 3 sa nabanggit na bayan bandang on 4:58 ng hapon kahapon.

Nakuha sa mga suspek ang 4 na sachet o 2 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang nagkakahalaga ng 13,600.00 kasama ng limandaang piso buy-bust na pera.

Nahuli naman ng Liliw Municipal Police Station sa pangangasiwa ni Officer in Charge PLT Amado Jose Basilio, Jr. si Melvin Villamor alyas Vin, 35 anyos, isang binatang welder na naninirahan sa Brgy. 1B, San Pablo City, Laguna, matapos magbenta ng bawal na droga sa isang poseur buyer sa isang buy-bust operations sa isinagawa sa Brgy. Culoy, Liliw, Laguna, kanina bandang 1:20 ng madaling araw. Nakuha sa kanya ang 2 sachet na hinihinalang shabu at sanlibong pisong buy-bust money.

Ang mga naaresto ay kakasauhan ng paglabag sa Violation of R.A 9165 or the Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. Ang mga ebidensyang nakuha sa kanila ay dadalhin sa Crime Lab Office upang sumailalim sa forensic examinations.

“We will continue to eradicate illegal drugs at all costs. I urge the people of Laguna to actively participate in our campaign against illegal drugs to save their families from the crimes that could be committed by these drug personalities,” ayon kay PCOL Campo.

PH nakapagtala ng 37K new Covid-19 cases, 34K ang nakarekober

0

Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng 37,070 bagong kaso ng coronavirus disease infections at 33,940 bagong recoveries noong kahapon.

Ang mga aktibong kaso ay tumaas sa 290,938 habang ang kabuuang mga nakarekober ay tumaas sa 2,898,507, o 89.4 porsyento ng 3,242,374 na impeksyon na naitala mula noong nagsimula ang pandemya noong Marso 2020.

Sa mga aktibong kaso, 277,020 ang mild, 2,940 ang moderate, 9,187 ang asymptomatic, 1,480 ang severe, at 304 ang kritikal.

“Sa 37,070 na naiulat na mga kaso ngayon, 36,001 (97 porsiyento) ang naganap sa loob ng nakalipas na 14 na araw – Enero 4, 2021 hanggang Enero 17, 2022,” ayon sa DOH.

Ang mga region na may pinakamaraming kaso sa nakalipas na dalawang linggo ay ang National Capital Region (NCR) na may 13,061 o 36 porsyento ng mga bagong impeksyon; Region 4-A (Calabarzon), 9,048 o 25 percent; at Central Luzon, 4,173 o 12 porsyento.

Nadagdagan ng 23 kaso ng nasawi sa dating bilang na 52,929 na kumakatawan sa 1.63 porsyento ng kabuuang mga kaso ng pagkamatay.

‘No vax, No ride’ policy sinuportahan ng 7 LGUs sa Laguna

0

Pitong bayan at lungsod sa Laguna ang nagpalabas ng kautusan at ordinansa hinggil sa regulasyon ng paglilimita sa paglabas ng mga walang bakuna sa gitna ng patuloy na pagtaas ng active cases ng Covid-10 sa lalawigan ng Laguna.

Kabilang sa mga local government unit na nagtakda ng patakaran ang Biñan City, at mga bayan ng  Los Baños, Kalayaan, Mabitac, Magdalena, Pagsanjan, at Pila, ayon sa report ng Department of Interior and Local Government Calabarzon.

Ayon sa mga ordinansa, bawal munang lumabas at sumakay sa pampublikong transportasyon ang mga mamamayan na wala pang bakuna.

Nauna dito, nagkasundo ang mga mayor sa National Capital Region na ipairal ang ordinansa sa ‘No vaccine, no ride’ policy” upang higpitan ang pag galaw ng mga wala pang bakuna.

Comelec: Mga balota para sa May 2022 Elections, lalabas na

Malapit nang ilabas ng Commission on Elections (Comelec) ang mga mukha ng balota na gagamitin sa May 9, 2022 National and Local Elections (NLE).

Sinabi ni Elaiza David, direktor ng Comelec – Education and Information Department (EID) na tatlong uri ng balota na iba’t ibang laki ang gagamitin sa botohan sa darating na Mayo.

Ang pinakamahabang balota na may sukat na 30 pulgada ay gagamitin sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).

Ang mga balota para sa mga lugar na hindi BARMM ay may sukat na 26 pulgada habang ang sukat ng mga balota para sa mga overseas voters ay 25 pulgada.

Idinagdag ng opisyal ng poll body na ang harapang bahagi ng balota ay magkakaroon ng pambansa at lokal na mga posisyon para sa parehong BARMM at hindi BARMM na mga botante habang ang party list ay makikita sa likod ng balota.

Samantala, ang mga balota para sa overseas voters ay maglalaman lamang ng mga pangalan para sa mga pambansang posisyon tulad ng presidente, bise presidente, senador, at party-list groups.

Ang mga pangalan ng mga kandidato para sa mga pambansang posisyon ay nasa harapang bahagi ng balota habang ang mga party-list group ay nasa likod.

“For those who are not well known, they were not considered a nuisance. We have grounds for declaring a candidate as nuisance, which means they passed. They are assessed to be qualified and have the bonafide intent to run and the capacity for them to lead was established,” ayon kay DAvid noong siya ay tanungin kung bakit isinali pa ng Comelec ang mga aspiranteng hindi popular.

Noong Enero 11, ang pansamantalang listahan ng mga kandidato ay mayroong 10 kandidato sa pagkapangulo, siyam sa bise presidente, 64 para sa mga senador, at 178 na party-list groups.

Ang mga tatakbo bilang pangulo ay sina: Abella, Ernesto Corpus; De Guzman, Leody; Domagoso, Francisco Moreno; Gonzales, Norberto Borja; Lacson, Panfilo Morena; Mangondato, Faisal Montay; Marcos, Ferdinand Jr. Romualdez; Montemayor, Jose Jr. Cabrera; Pacquiao Emmanuel Dapidran; Robredo, Maria Leonor Gerona.

Para sa Bise Presidente, ang mga aspirante ay sina Atienza, Jose Jr. Livioko; Bello Walden Flores; David, Rizalito Yap; Duterte Sara Zimmerman; Lopez, Emmanuel Sto Domingo; Ong, Willie Tan; Pangilinan, Francis Nepomuceno; Serapio, Carlos Gelacio; Sotto, Vicente III Castelo.

Sa kabilang banda, sinabi ni David na magkakaroon sila ng virtual walkthrough ng National Printing Office (NPO) sa Quezon City, kung saan ipi-print ang mga balota sa Martes ng umaga.

Idinagdag niya na magkakaroon sila ng isa pang anunsyo kung kailan sila magsisimula sa pag-imprenta ng mga opisyal na balota.

“Magkakaroon tayo ng isa pang anunsyo tungkol sa kung kailan magsisimula ang pag-imprenta ngunit ito ay pagkatapos ng walkthrough,” ayon sa opisyal ng Comelec.

Active cases ng Covid-19 sa PNP umabot na sa 4K, karamihan sa mga pulis asymptomatic

0

Karamihan sa mga pulis na nahawa ng coronavirus disease ay asymptomatic, ayon sa Philippine National Police (PNP) kahapon. 

“Medyo umakyat yung bilang ng ating mga pulis na na-infect pero marami po asymptomatic and since they are asymptomatic we allow them to do home quarantine for five to seven days tapos iti-test natin. Yung merong mga symptoms yun po ay nilagay sa mga quarantine facilities natin. Nagdagdag tayo ng additional 180 beds nasa training school at badminton court but we continue to provide additional bed capacity to accommodate symptomatic patients (The number of our policemen who are infected increased a bit but many are asymptomatic and since they are asymptomatic we allow them to do home quarantine for five to seven days and then we will test them. Those with symptoms were placed in our quarantine facilities. We have added an additional 180 beds in the training school and badminton court but we continue to provide additional bed capacity to accommodate symptomatic patients,” ayon kay PNP chief Gen. Dionardo Carlos sa isang panayam sa radyo.

Ang PNP ay nakapagtala ng dagdag na 310 na bagong kaso noong Lunes, na nagtaas sa active case tally sa 4,015 mula sa kabuuang 45,782 na kumpirmadong kaso mula noong nagsimula ang pandemya.

Kaugnay nito, 277 na mga bagong nakarekober, ang kabuuang bilang ng mga nakarekober sa 41,642 habang nasa 125 na ang bilang ng mga nasawi.

Sinabi rin ni Carlos na patuloy ang trabaho para sa mga asymptomatic at nagagawa pa rin ang kanilang tungkulin kahit nasa bahay o nasa loob ng pasilidad.

Idinagdag niya na ang PNP ay mabilis na kumikilos upang mabakunahan ang lahat ng mga tauhan nito laban sa Covid-19.

Binanggit ng PNP ang pinakahuling datos noong Lunes na 216,513 tauhan (96.09 porsyento) sa 225,313 kabuuang bilang ng ganap na nabakunahan, habang 7,620 (3.38 porsyento) ang naghihintay para sa kanilang pangalawang dosis.

May 1,181 PNP na personnel (0.53 percent) ang hindi pa nababakunahan.

Samantala, idinagdag ni Carlos na bumalik na siya sa trabaho pagkatapos niyang gumaling mula sa Covid-19 noong nakaraang linggo.

Pinaalalahanan din niya ang mga tauhan na laging panatilihin ang malusog na pangangatawan at maayos na pag-iisip upang epektibong makaganap bilang front-liners sa paglaban sa pandemya

Hair stylist na No. 10 Most wanted Person, nasakote ng Laguna PNP

0

Calamba City, Laguna.  Inaresto sa lungsod na ito ang No.10 most wanted person, ayon sa report ni Laguna Police Acting Provincial Director PCOL Rogarth B. Campo kay CALABARZON Regional Director PBGEN Eliseo C. Cruz noong Enero 16, 2022.

Nasakote sa isang manhunt operations na pinamunuan ni PLTCOL Arnel L. Pagulayan, chief ng Calamba City Police Station si Mark Anthony Bariring, 27 anyos, isang hair stylist at residente ng Barangay Uwisan, sa nabanggit na lungsod na may kasong paglabag sa RA 7610 o anti-child abuse law.

Si Bariring ay kasalukuyang nakapiit sa Calamba custodial facility at nakatakdang humarap sa kasong anti-child abuse.

“Hindi titigil ang Laguna PNP sa pagsasagawa ng operasyon laban sa mga most wanted hanggat hindi sila napapanagot sa ginawa nilang krimen at para mabigyan ng hustisya ang mga biktima,” ayon kay PCOL Campo.

PH bibili ng 32 bagong Black Hawk attack choppers

Bibili ang gobyerno ng 32 karagdagang S-70i Black Hawk combat utility helicopter pagkatapos maibigay ang Notice of Award (NOA) sa PZL Mielec ng Poland noong nakaraang taon, ayon kay Defense Secretary Delfin Lorenzana noong Linggo.

Ibinahagi ni Lorenzana sa isang Facebook post na ang NOA ay inisyu noong Disyembre 28, 2021 para sa PHP32-bilyong proyekto na may kasamang paunang logistics support package at pagsasanay para sa mga piloto at maintenance crew.

Ang Kasunduan sa Kontrata ay binabalangkas na ngayon kung saan ang isang Notice to Proceed upang magsimulan na proyekto.

“The delivery of these helicopters will start on CY (Calendar Year) 2023 (five units) while the remaining ones will be delivered in three batches as follows: CY2024 – 2nd batch (10 units); CY2025 – 3rd batch (10 units); and CY2026 – last batch (seven units),” ayon sa post ni Lorenzana.

Nauna nakuha ng Philippine Air Force (PAF) ang 16 Black Hawk helicopters, mula rin sa Polish aerospace manufacturer, na nagkakahalaga ng USD241 milyon (PHP11.5 bilyon).

Ang unang batch ng anim na helicopter ay naihatid noong Nobyembre 2020, na sinundan ng pangalawang batch ng lima noong Hunyo ng nakaraang taon na pormal na tinanggap, nai-turn over, at binasbasan noong Oktubre 13, 2021.

Ang huling batch ng lima ay naihatid noong Nobyembre 8, 2021 at pormal na tinanggap ng PAF noong Disyembre 3.

“The lack of transport planes and helicopters have never been more acute during the pandemic and in the aftermath of Typhoon Odette. This was exacerbated by our aging Hueys that have become uneconomical to maintain. The 12 brand new Black Hawk bore the brunt of the work during these critical times,” ayon kay Lorenzana.

Ang mga unit ng PAF S-70i ay nagdadala ng mga relief supply at rescue personnel sa mga lugar na tinamaan ng Bagyong Odette noong nakaraang buwan.

Ginamit din ang mga ito upang maghatid ng mga bakuna sa Covid-19 sa mga isla.

CSC sa mga ahensya ng gobyerno: Pangalagaan ang kalusugan ng mga empleyado

Nagpaalala ang ang Civil Service Commission (CSC) kanina sa mga ahensya ng gobyerno na pangalagaan ang kaligtasan at seguridad ng kanilang mga empleyado sa gitna ng umiiral na pagtaas ng kaso ng Covid-19.

Dapat sumunod ang mga ahensya ng gobyerno sa mga guidelines na itinakda ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases sa pagbabawas ng onsite workforce habang nakataas ang Alert Level 3 sa kanilang mga lugar, ayon kay CSC Commissioner Aileen Lizada sa isang televised public briefing.

Sa ngayon, nasa 161 empleyado ng gobyerno ang kumpirmadong positibo sa Covid-19.

Sa ilalim ng Department of Budget and Management Circular (DBM) No. 2020-14, may opsyon ang mga ahensya ng gobyerno na gamitin ang kani-kanilang badyet para sa layunin ng pagpapatupad ng mga health protocol nang walang gastos sa bahagi ng mga empleyado.

“Puwede ho tayong gumawa ng home care Covid kit para sa ating mga empleyado, kunin natin sa MOOE [maintenance and other operating expenses]. Allowed na po naman ito, mayroon naman (We can produce Covid kits for our employees from our MOOE. This is allowed, per) DBM circular,” ayon kay Lizada.

Ang pagkakaloob ng Covid-19 home care kits para sa mga empleyado ng gobyerno ay “magde-clog sa mga health center” na madalas puntahan ng publiko, dagdag pa niya.

Para sa mga ahensya ng gobyerno sa mga lugar sa ilalim ng Alert Level 2, binanggit ni Lizada na dapat ipatupad ang mga alternatibong kaayusan sa trabaho

“We talked about reduction of workforce, but it does not talk about stoppage of government workforce,” she said. “We need to serve the public continuously but likewise hand in hand, we also have to protect our government employees,” ang pagtatapos ni Lizada.

San Pablo CHO, nagbawas ng serbisyo, SPGH bubuksan na bukas

0

San Pablo City, Laguna. Pansamantalang nilimitahan ang mga serbisyong pampubliko ng San Pablo City Health Office (CHO) dito upang bigyang daan ang disinfection at quarantine ng mga idineklarang close contact sa nabanggit na tanggapan,  ayon sa public advisory Assistant City Health Officer Dr. Mercydina Caponpon kanina.

“At hanggang sa mga oras na ito ay naghihintay pa din ang aming tanggapan sa kabuuang resulta ng mga isinagawang eksaminasyon.  Dahil dito ay nagpapaabot kami ng isang pampublikong pabatid na ang aming operasyon sa Tanggapan ng Kalusugan na nasa Capitol Complex ay magiging limitado at ipaprioridad lamang sa mga pangunahing serbisyo gaya ng pag iisyu ng death certificate, health card, pag eksamin sa mga medicolegal na kaso at COVID response. Ito ay upang mabigyang daan ang disinfection at quarantine ng mga naideklarang close contacts. Gayundin, upang lubusang makasiguro sa kaligtasan ng aming magiging kliyente at kahalubilo, ” ayon kay Dr. Caponpon.

Nakapagtala ang nabanggit na tanggapan ng hindi inaasahang dami ng kaso ng Covid-19 infection sa mga empleyado at health workers nito batay sa isinagawang contact tracing noong Enero 15, 2022.

Humigit kumulang na 11 tauhan ng CHO ang nag positive sa antigen test habang kasalukuyang hinihintay ang resulta ng RT-PCR test, ayon sa report.

Samantala, muling magbubukas ang ER/Triage ng San Pablo City Hospital bukas, Enero 18, 2022, mula 6:00 ng umaga.

Ganun pa man, ang operating room/obstetrics ng nabanggit na ospital ay nananatiling pang emergency cases lamang.

Limitado pa rin ang diagnostic test na maaaring gawin ng laboratory dito, ayon sa advisory ng San Pablo City Information Office.

Nauna dito, ilang staff at health workers ng San Pablo General Hospital ang sumailalim sa quarantine at isolation matapos isagawa ang case investigations at contact tracing sa mga tauhan nito.

Humihingi ng paumanhin si SPGH CHief of Hospital Dr. James Lee Ho sa pansamantalang limitadong health services na naibibigay ng nabanggit na ospital.

“Lubos na hinihingi ang inyong pang-unawa habang hindi pa kumpleto ang hanay ng mga frontliners na nagbabalik at nakarekober mula sa kanilang naging karamdaman. Asahan po ninyo na bagamat limitado pa ang serbisyong pangkalusugan, ibibigay po namin ang aming makakaya upang kayo ay mapaglingkuran,” ayon kay Dr. Lee Ho.

Under water volcano pumutok: Sinusubaybayan ng DFA ang kalagayan ng 800 Filipino sa Fiji, Samoa, Tonga

0

Kasalukuyang binabantayan ng Philippine Embassy sa Wellington ang sitwasyon ng humigit kumulang na 800 Filipino sa Tonga, Samoa, at Fiji matapos pumutok ang underwater volcano noong Sabado, ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA).

Sa isang pahayag noong Linggo, sinabi ng DFA na ang pagputok ay nagdulot ng mga tsunami at malakas na alon na umabot sa Tonga, Samoa, at Fiji, at ang mga residente ay lumilipat sa mas mataas na lugar.

Idinagdag nito na naputol ang communications systems sa mga lugar na iyon.

“Coordination efforts with local authorities and community leaders are ongoing to ascertain the situation on the ground and the condition of the Filipinos in Tonga (87), Samoa (300), and Fiji (400),” ayon sa DFA.

Samantala, naglabas din ng tsunami advisories para sa mga coastal areas ng New Zealand, Japan, at US western states.

Sinabi nn News Zealans Prime Minister Jacinda Ardern na walang mga ulat ng pagkamatay o pinsala sa Tonga na may kaugnayan sa pagputok ng bulkan noong Linggo dahil nasira ang mga linya ng komunikasyon gaya ng telepono at koneksyon sa internet sa mga apektadong lugar.

Noong Sabado, isang bulkan sa ilalim ng dagat sa Tonga ang sumabog. Nagdulot ito ng mga babala ng 1.2-meter tsunami waves.

Inutusan ang mga tao na lumikas sa mga baybayin sa Tonga.