Remulla: 6 pang persons of interest sa Salilig hazing death case handa ng sumuko

0
594

Anim pang persons of interest sa kaso ng hazing death ng Adamson University student na si John Matthew Salilig ang gusto ng sumuko, ayon kay Justice Secretary Jesus Crispin Remulla kanina.

“May anim pa na gustong sumuko sa hazing cases,” ayon sa kanya.

Nang tanungin kung bakit ngayon lang sila susuko, tugon ni Remulla ay dahil ito sa kakulangan ng mga abogado.

Batay sa pahayag ni Public Attorney’s Office (PAO) chief Persida Acosta, hindi tutulungan ng kanyang ahensya ang mga fraternity members na sangkot sa hazing at pagkamatay ni Salilig dahil sa conflict of interest matapos unang lumapit sa kanila ang pamilya ng biktima.

“Kaya itong conflict of interest, we have to work it out that there should, of course, be a limit [to] the involvement of the PAO so they can also cater to the defendants in cases,” ayon kayRemulla.

“Kasi kailangan pa rin ng right to counsel. It’s a constitutional right. That’s why it’s— the more paramount mandate of the PAO is to serve as counsel for poor litigants so that the [legal] process will continue,” dagdag pa niya.

Matatandaan na noong Pebrero 28 ay natagpuan ang bangkay ni Salilig na nakalibing sa bakanteng lote sa Imus, Cavite isang linggo matapos itong ideklarang nawawala.

Sa pagdinig naman ng Senado noong Martes, Marso 7, sinabi ng witness na nagdesisyon ang mga miyembro ng Tau Gamma Phi na huwag ng dalhin sa Salilig sa ospital sa kabila na nakararanas ito ng seizure matapos ang welcoming rites ng naturang fraternity.

Naghain na ng reklamong paglabag sa Anti-Hazing Law ang pulisya laban sa anim na mga sangkot sa pagkamatay ni Salilig.

Ikakasa naman ngayong Biyernes, Marso 10 ang unang preliminary investigation sa Department of Justice.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.

Author profile
Gary P Hernal

Gary P Hernal started college at UP Diliman and received his BA in Economics from San Sebastian College, Manila, and Masters in Information Systems Management from Keller Graduate School of Management of DeVry University in Oak Brook, IL. He has 25 years of copy editing and management experience at Thomson West, a subsidiary of Thomson Reuters.