2 negosyante, 2 iba pa inambus sa Batangas

0
675

Taal, Batangas. Sugatan ang apat na biktima kabilang ang dalawang negos­yante matapos silang tambangan at paulanan ng bala ng armadong kalalakihan habang bumabagtas sa Brgy. Poblacion Zone 5, Taal, Batangas noong Biyernes ng hapon.

Kinilala ang mga biktima na sina Jay-R Fortuno Lim, Gemmalyn Alvarez Evangelio; pawang negosyante; kasama ang dalawang construction worker na sina Jasper Martinez Torre at Joel Fortuno Cabales.

Ayon sa ulat ng Batangas City Police Station, bandang alas-3:30 ng hapon habang sakay ang mga biktima ng kulay itim na Nissan Navara (NEM 7843) at bumabag­tas sa nabanggit na lugar nang paulanan sila ng bala ng dalawang hindi pa nakikilalang lalaki.

Matapos ang pamamaril, mabilis na tumakas ang mga suspek patungo sa direksyon ng bayan ng Sta. Teresita, Batangas.

Kasalukuyan pang nagsasagawa ng imbestigasyon ang pulis­ya upang matukoy ang mga suspek at alamin ang motibo sa pananambang.

Author profile
Arman B. Cambe

Si Arman B. Cambe ay naging ABS-CBN news correspondent noong 1987-1989. Naging provincial correspondent ng Headline news, isang national daily tabloid at 10 taong naging Laguna broadcast correspondent ng Radio Veritas. Contributor din siya sa loob ng 5 taon sa Peoples Journal group of companies. Naging Professor ng Journalism at Broadcasting ng 15 taon sa Laguna State Polytechnic University, Sta. Cruz Campus at 5 taon na naging Teacher exchange scholar sa Don Bosco at St. Dominic Institute sa Bangkok, Thailand.