12 navy divers, handang sumisid sa Taal Lake para hanapin ang mga nawawalang sabungero

0
559

MAYNILA. Naghihintay na lamang ang Philippine Navy ng opisyal na kahilingan mula sa Department of Justice (DOJ) bago simulan ang pagsisid sa Taal Lake kaugnay ng imbestigasyon sa mga nawawalang sabungero na umano’y itinapon sa lawa.

Ayon kay Navy spokesperson Captain John Percie Alcos, nakahanda silang magpadala ng tatlong team, binubuo ng 12 technical divers mula sa elite unit na Naval Special Operations Command (NAVSOCOM), o mas kilala bilang Navy SEALS. Gagamit sila ng underwater drones para tumulong sa pagsisid at paghahanap.

Ang NAVSOCOM ay eksperto sa Sea, Air and Land (SEAL) operations gaya ng reconnaissance, demolition, intelligence gathering, at mga underwater mission.

“There are numerous ways on how to recover or how to look for targets underwater itself. We could send underwater drones to check on the safety, how the water is, ano ma-encounter sa ilalim. The moment we find what we have to recover—object or cadaver,” ayon kay Rear Admiral Roy Vincent Trinidad, tagapagsalita ng Philippine Navy para sa West Philippine Sea.

Dagdag pa niya, maaaring ideploy ang tatlong diving teams upang magsagawa ng operasyon para tukuyin at iahon ang anumang buto, kalansay, o labi ng mga sabungero kung mapapatunayang itinapon nga ang mga ito sa lawa, gaya ng isiniwalat ng testigong si alyas “Totoy.”

Aminado rin ang mga opisyal na mahalagang gamitin ang underwater drones upang matukoy kung may makukuhang ebidensya sa ilalim ng lawa, lalo na kung may mga labi pa ngang naroon.

Author profile

Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo