‘Ribs’ at mga kalansay ng tao, narekober sa Taal Lake – DOJ

0
501

MAYNILA. Nakarekober ang mga awtoridad ng mga buto ng tao, kabilang ang mga tila “ribs,” sa bahagi ng Taal Lake sa Batangas habang nagpapatuloy ang imbestigasyon kaugnay sa mga nawawalang sabungero, kinumpirma ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla nitong Huwebes, Hulyo 17.

“Today, human remains were found in Taal Lake in the area pointed to us by our sources, which was also identified by alias Totoy,” ani Remulla sa isang press briefing.

Ayon sa kalihim ng Department of Justice (DOJ), apat na sako ang narekober mula sa isang partikular na quadrant ng lawa, dalawa ay puno ng buhangin at dalawa ay may lamang mga kalansay. Tinukoy umano ng mga impormante ang lugar bilang isang “dumping site” ng mga biktima.

“What was found in that quadrant of Taal Lake is a positive indication that [Totoy] knew what he was talking about, because what he identified was indeed found there,” dagdag ni Remulla.

Kinilala rin ng mga awtoridad ang lokasyon sa tulong ng ilang boatman, kabilang si Patidongan, na umano’y inutusan na itapon ang mga bangkay at itinuro ang eksaktong lugar kung saan ito ginawa.

Noong Miyerkules, iniulat ni Remulla na tatlong bangkay ang nakuha sa isang lugar malapit sa lawa na maaaring may kaugnayan sa kaso ng mga nawawalang sabungero o sa war on drugs ng nakaraang administrasyon. Ngunit nitong Huwebes ay nilinaw niya na ang mga narekober ay hindi biktima ng drug war, kundi may direktang kaugnayan sa mga sabungero.

“The connection to the drug war is that the death squads used here in e-sabong are the same ones commonly used during the drug war, and we can identify the units these people came from. We’ve already linked the histories of some of the officials involved in this,” aniya.

Ayon pa sa kalihim, ang tatlong bangkay ay lumutang sa Taal Lake noon pang 2020. Kinuha ito ng mga pulis at dinala sa isang punerarya. Dahil hindi ito inangkin, inilibing ito sa karaniwang paraan alinsunod sa panuntunan.

Aniya, may ilan pang bahagi ng katawan ang bahagyang nakikilala gaya ng mga ngipin at mukha.

“Hopefully, we can extract DNA once we start tracking. One appears to be female because a woman’s underwear was found in one of the sacks, which strengthens the suspicion. There really was a reported incident about a woman who was abducted in Lipa,” pahayag ni Remulla.

Author profile

Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo