MAYNILA – Apat na weather system, kabilang ang Low Pressure Area, shear line, northeast monsoon o amihan, at easterlies, ang inaasahang magdadalá ng maulap na kalangitan at mga pag-ulan sa malaking bahagi ng Luzon ngayong Martes, ayon sa PAGASA.
Alas tres ng madaling araw, namataan ang Low Pressure Area sa layong 390 kilometro kanluran ng Puerto Princesa City, Palawan. Magdudulot ito ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorms sa Kalayaan Islands, at may posibilidad ng flash floods o landslides dahil sa katamtaman hanggang minsang malakas na ulan.
Apektado ng shear line ang Cordillera Administrative Region, Cagayan, Isabela, Nueva Vizcaya, Quirino, Aurora, at Quezon. Asahan ang maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at isolated thunderstorms, at posibleng flash floods o landslides.
Makakaranas ng maulap na kalangitan na may mahihinang pag-ulan ang Batanes at Ilocos Norte dahil sa amihan, ngunit walang inaasahang malaking epekto.
Ang Metro Manila, nalalabing bahagi ng Ilocos Region, at nalalabing bahagi ng Central Luzon ay magkakaroon ng bahagyang maulap hanggang maulap na kalangitan na may paminsan-minsang mahihinang pag-ulan dulot pa rin ng amihan, ngunit wala ring malaking epekto.
Ang Bicol Region at Eastern Visayas ay magkakaroon ng bahagyang maulap hanggang maulap na kalangitan na may isolated rain showers o thunderstorms dahil sa easterlies. Posible ang flash floods o landslides kapag may matinding thunderstorms.
Ang natitirang bahagi ng bansa ay makararanas ng bahagyang maulap hanggang maulap na kalangitan na may isolated rain showers o thunderstorms dulot ng localized thunderstorms, kasama ang posibilidad ng flash floods o landslides sa oras ng malalakas na pagkidlat at pag-ulan.
Katamtaman hanggang malakas ang ihip ng hangin sa hilagang at silangang bahagi ng Luzon na may maalon hanggang napakaalon na mga baybayin.
Ang natitirang bahagi ng Luzon ay magkakaroon ng katamtaman hanggang malakas na hangin na may katamtaman hanggang maalon na baybayin.
Sa Visayas at Mindanao, magiging mahina hanggang katamtaman ang hangin mula hilagang silangan hanggang hilaga, at bahagyang hanggang katamtamang pag-aalon ng dagat ang inaasahan.
Bahagyang maulap hanggang maulap ang kalangitan sa Calabarzon na may isolated light rains dahil sa amihan. Walang inaasahang malaking epekto sa rehiyon.
Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo





