Babae, nawala matapos makipag-eyeball sa Facebook friend

0
52

CAINTA, Rizal. Hinahanap ng kanyang pamilya ang isang babae dahil hindi na naakauwi ito ng kanilang tahanan matapos makipag-eyeball sa isang lalaking nakilala lamang niya sa Facebook sa bayang ito.

Ang biktima ay kinilalang si Dina Ancheta, 36-anyos, at residente ng Sitio Bayabas, Brgy. San Isidro, Taytay, Rizal.

Batay sa ulat ng Cainta Municipal Police, 11:25 ng gabi ng Abril 16, 2024, huling nakita ang biktima ng kanyang mga kaanak matapos umalis ng bahay sakay ng isang pulang Toyota Vios, na may plakang BAA-2196.

Nagpaalam si Ancheta sa kanyang kapatid na si Pinky na makikipagkita sa isang hindi kilalang lalaki na nakilala umano niya sa Facebook at malaunan ay naging kaibigan. Bandang 12:27 ng tanghali ng Abril 17, kinontak ni Pinky ang kapatid upang tanungin kung nasaan na siya. Sinabi ng biktima na kasalukuyan silang nakapila sa isang Pares House sa Diokno Blvd. sa Pasay City upang kumain. Ngunit sinabi na mahaba ang pila kaya hindi na sila kakain at uuwi na lamang.

Nagtaka at nabahala ang pamilya nang hindi pa rin umuuwi ang biktima at hindi na nila ito ma-kontak pa.

Author profile
Arman B. Cambe

Si Arman B. Cambe ay naging ABS-CBN news correspondent noong 1987-1989. Naging provincial correspondent ng Headline news, isang national daily tabloid at 10 taong naging Laguna broadcast correspondent ng Radio Veritas. Contributor din siya sa loob ng 5 taon sa Peoples Journal group of companies. Naging Professor ng Journalism at Broadcasting ng 15 taon sa Laguna State Polytechnic University, Sta. Cruz Campus at 5 taon na naging Teacher exchange scholar sa Don Bosco at St. Dominic Institute sa Bangkok, Thailand.

We appreciate your thoughts. Please leave a comment.