Thursday, August 20, 2026


Your Daily News Update About CALABARZON and Beyond.
ISSN 2799-1911

Home Blog Page 624

Meralco bill, bababa ngayong Abril

Magbabawas ang Manila Electric Company (Meralco) ng P0.118 kada kilowatt hour (kWh) sa singil sa kur­yente ngayong Abril.

Dahil sa bawas sa singil, ang overall electricity rate ngayong buwan ay magi­ging P11.3168 kada kWh na lamang, mula sa P11.4348/kWh noong Marso.

Katumbas ito ng P24 bawas-singil para sa mga tahanang gumagamit ng 200 kwh kada buwan; P35 sa 300 kwh; P47 sa 400 kwh at P59 sa mga tahana na 500 kwh ang kunsumo kada buwan.

Ipinaliwanag ng Meralco na ang pagbaba ng singil ay resulta ng mas mababang generation at transmission charges.

Ang generation charge, o ang halaga ng biniling kuryente mula sa suppliers na higit 50% ng total bill, ay bumaba sa P7.3295 kada kWh mula sa dating P7.3790 kada kWh.

Comelec: Listahan ng mga botante para sa BSKE 2023 ilalabas sa Agosto

0

Sisikapin ng Commission on Elections (Comelec) na ilabas ang mga listahan ng mga rehistradong botante sa Oktubre 2023 Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) sa Agosto 1.

Inutusan ng poll body ang mga lokal na Election Registration Boards (ERBs) na kumpletuhin ang mga verification ng Election Day Computerized Voters Lists (EDCVLs) at Posted Computerized Voters Lists (PCVLs) sa o bago ang Hulyo 27.

“Verification of the names of voters and certification and sealing of the EDCVLs and PCVLs shall be conducted not later July 27, 2023,” ayon sa Comelec Resolution No. 10903 na ipinahayag noong Marso 22 at inilabas noong Martes.

“Posting of the verified and certified EDCVLs and PCVLs shall be made not later than August 1, 2023,” dagdag nito.

Kasama sa listahan ang mga botante na due to court inclusion orders, maling na-delist bilang namatay, o na-abate sa pamamagitan ng AFIS dahil sa maling pag-encode ng uri ng aplikasyon sa Voter Registration System (VRS).

Sa kabilang banda, ang mga hindi kasama sa beripikasyon at sertipikasyon ng EDCVL at PCVL, ay mga rehistradong botante na naunang naaprubahan na ilipat, doble/multiple registration record dahil sa Automated Fingerprint Identification System (AFIS) matching, kamatayan ayon sa sertipikasyon ng Local Civil Registrars at court exclusion orders.

Ang mga ERB ay inaatasan na maghanda at mag-post ng sertipikadong listahan ng mga botante 90 araw bago isagawa ang isang regular na halalan gaya ng nakasaad sa ilalim ng Voter’s Registration Act.

Batay sa pinakahuling datos ng Comelec, mayroong kabuuang 68,557,452 na rehistradong botante na inaasahang boboto sa barangay polls.

Nasa 23,474,978 na ngayon ang mga rehistradong botante ng kabataan.

Ang mga listahan ng mga botante ay kailangang ipaskil sa mga Offices of the Election Officer (OEOs) (OEOs) at sa bulletin board ng bawat city/municipal hall.

Tupperware shares plunge as it warns of possible collapse

Tupperware, the US-maker of food storage containers, has warned that it could go bust unless it can quickly raise new financing.

Shares in the 77-year-old firm plunged on Monday after it said there was “substantial doubt about its ability to continue as a going concern”.

Tupperware has been attempting to reposition itself to a younger audience.

However, it has failed to stop a slide in its sales.

The firm became well-known in the 1950s and 1960s when people held “Tupperware parties” in their homes to sell plastic containers for food storage.

Tupperware still employs a direct sales force – who earn a percentage of all the goods they sell – as well as selling goods on its website.

It recently started selling its products in US retail chain Target in an attempt to entice younger shoppers.

It has also expanded its range into cooking products, such as a grill that works in a microwave.

At the time, Miguel Fernandez, Tupperware’s chief executive – its third in five years – said he imagined the grill “for someone who lives in an apartment in New York City and you can’t really do outdoor grilling but you can use this”.

In a statement, Tupperware said that its shares were in danger of being delisted from the New York Stock Exchange because it had not yet filed its annual report.

It also warned that it had to renegotiate its loans after already amending its loan agreements three times since August 2022.

Tupperware said it was struggling with higher interest costs on its borrowings while it attempts to turn the business around.

The company said it “currently forecasts that it may not have adequate liquidity in the near term”, adding that it “has therefore concluded that there is substantial doubt about its ability to continue as a going concern”.

In addition, Tupperware said that its financial results for 2021 and 2022 as well its interim figures in 2021 and the first three months of 2022 had been “misstated” due to how the firm accounted for taxes and leases.

Tupperware’s share price dropped by nearly 50% on Monday.

The company said it was working with financial advisers to secure more money and investment. It is also examining whether it can sell property and cut jobs.

How Tupperware once conquered the world

Tupperware was founded by Earl Tupper, an American chemist, in 1946.

The polyethylene air-tight and water-tight products – with their double-sealed lid – were sold in department stores but were not immediately successful because potential customers were not sure how to use them.

People were used to glass and ceramic products and the new Tupperware container had to be “burped” to expel air when being sealed.

A saleswoman called Brownie Wise – who was already selling cleaning products door-to-door at home parties – started selling Tupperware herself.

She used home demonstrations to find customers and recruited other salespeople to sell the goods.

She was recruited as a vice president of marketing at Tupperware by Mr Tupper, helping to fuel growth at the business through parties which also allowed women to earn income. 

However, the founder and his vice president reportedly clashed over strategy and in 1958, Mr Tupper fired Mrs Wise. She sued the company and won a year’s salary. Mr Tupper went on to sell the business. (Dearbail Jordan, BBC News)

Tupperware has been attempting to change its image from house parties in years gone by to younger shoppers.

Posibleng magdulot ng mga pag-ulan ang TD Amang hanggang Biyernes

Posibleng magdulot ng maulap na papawirin at pag-ulan ang Tropical Depression (TD) Amang sa Huwebes hanggang Biyernes, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) kahapon.

“Inaasahan natin na ang TD ay magpapatuloy pakanluran. Kaya posibleng sa Huwebes hanggang Biyernes, maulap na kalangitan at pag-ulan ang mararanasan ng bansa dahil sa bagyong ‘Amang’,” ayon kay weather specialist Daniel Villamil sa isang public briefing.

Malaking bahagi ng Luzon at Visayas ang makakaranas ng mga pag-ulan at pagbaba ng temperatura, lalo na sa hapon, dagdag pa niya.

Pinaalalahanan ni Villamil ang publiko na subaybayan ang local updates mula sa PAGASA regional centers, lalo na sa Eastern Visayas at Bicol Region, dahil ang mga lugar na ito ay maaaring makaranas ng malakas hanggang sa matinding pag-ulan sa mga susunod na oras o araw.

“Maging alerto laban sa posibleng pagbaha at pagguho ng lupa,” ayon sa kanya.

Taglay ni “Amang” ang maximum sustained winds na 55 kph malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 70 kph, at tinatayang mananatili bilang tropical depression sa buong forecast period.

Huling natunton ito sa 130 km. silangan-hilagang-silangan ng Virac, Catanduanes, o 250 km. silangan ng Daet, Camarines Norte.

Malakas na simoy ng hangin hanggang sa malapit na hanging malakas ang iiral sa mga lugar kung saan nakataas ang tropical cyclone wind signal (TCWS) No. 1: Catanduanes, Sorsogon, Albay, Camarines Sur, Camarines Norte, Quezon kabilang ang Pollilo Islands, Marinduque, Masbate, kasama ang Ticao Island , Burias Island, Rizal, Laguna (San Pablo City, Alaminos, Calauan, Bay, Los Baños, Rizal, Nagcarlan, Victoria, Pila, Liliw, Magdalena, Majayjay, Luisiana, Cavinti, Pagsanjan, Santa Cruz, Lumban, Kalayaan, Paete, Pakil, Pangil, Siniloan, Famy, Santa Maria, Mabitac), Aurora, Bulacan (Norzagaray, Doña Remedios Trinidad, San Miguel, San Ildefonso), Quirino, Nueva Vizcaya (Kasibu, Dupax del Norte, Dupax del Sur, Alfonso Castaneda), Nueva Ecija (General Tinio, City of Gapan, Peñaranda, San Leonardo, Santa Rosa, Cabanatuan City, Talavera, San Jose City, Carranglan, Pantabangan, Llanera, General Mamerto Natividad, Rizal, Bongabon, Laur, Palayan City, Gabaldon) at Isabela (Echague, San Agustin, Jones, Dinapigue, San Mariano, San Guillermo, Palanan, Angadanan, Benito Soliven, City of Cauayan).

Nasa ilalim din ng TCWS No. 1 ang Northern Samar, Samar (Calbayog City, Matuguinao, San Jose de Buan, Gandara, Santa Margarita, San Jorge) at Eastern Samar (Jipapad, Maslog, Arteche, Oras, San Policarpo, Dolores).

Samantala, maaring maranasan ang maalon na dagat sa silangang seaboard ng Southern Luzon at sa hilaga at silangang seaboard ng Visayas.

Pinayuhan ng PAGASA ang mga fishing boat at iba pang maliliit na sasakyang pandagat na huwag makipagsapalaran sa dagat, at pinag iingat ang  malalaking sasakyang pandagat sa malalaking alon.

2 lugar sa PH nakapagtala ng mapanganib na heat index

Nakapagtala ng pinakamataas na computed heat index na umabot sa 47 degrees Celsius ang Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) kahapon, Abril 10, sa San Jose, Occidental Mindoro at Butuan City, Agusan del Norte.

ay nakapagtala ng pinakamataas na computed heat index na umabot sa 47 degrees Celsius.

Ayon sa PAGASA ang “heat index” ay ang init ng temperatura na nararamdaman ng katawan.

Ang mga temperatura na umaabot sa 42 hanggang 51 degrees ay itinuturing na nasa danger zone kung saan posibleng magkaroon ng heat cramps at heat exhaustion ang isang tao, at dumanas ng mapanganib na heat stroke ay kung patuloy na mabibilad sa sobrang init.

Amang, unang bagyo sa 2023 nabuo na sa silangan ng PH

Ganap na bagyo na ang binabantayan na Low Pressure Area (LPA) sa silangan ng Catanduanes matapos itaas ito sa kategoryang Tropical Depression at tinawag na Amang na inaasahang magdadala ng mga pag-ulan at bugso ng hangin sa Northern at Eastern Samar ngayon araw, ayon sa ulat ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Alas-3 ng madaling araw kanina ay nakita ang sentro ng Tropical Depression Amang na nasa 475 kilometro silangan ng Virac, Catanduanes na may lakas na hanging aabot sa 45 kilometro bawat oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 55 kilometro bawat oras at kumikilos pakanluran Hilagang-kanluran sa bilis na 20 kilometro, ayon sa report ng PAGASA.

Itinaas naman ang Tropical Cyclone Wind Signal (TCWS) No. 1 sa Catanduanes, hilagang bahagi ng Silangang Samar (Taft, Can-Avid, Sulat, Dolores, Oras, Arteche, San Policarpo, Jipapad, Maslog, San Julian) eastern portion of Northern Samar (Catubig, Lapinig, Gamay, Mapanas, Palapag, Laoang, San Roque, Pambujan, Mondragon).
Ang Northern Samar at Eastern Samar ay makakaranas ng mga pag-ulan na may pagbugso ng hangin dahil sa Tropical Depression na may posibleng pagbaha o pagguho ng lupa dahil sa katamtaman hanggang sa malakas na kung minsan ay malakas na pag-ulan.

Sa susunod na 24 na oras, si Amang ay inaasahang lilipat pakanluran patungo sa Rehiyon ng Bicol bago lumiko pahilagang-kanluran at mananatiling malayo sa pampang sa katubigan sa silangan ng Luzon sa susunod na 3 araw.

Si  Amang, ang unang bagyo sa bansa ngayong 2023 ay tinatayang mananatili bilang isang tropical depression, na may posibilidad na humina at maging isang low pressure area sa Huwebes o Biyernes.

Ang Tropical Depression Amang ay ang unang tropical cyclone ng Pilipinas ngayong 2023.

Tinuran ni Abalos ang mga miyembro ng PNP na sangkot sa P6.7-B shabu haul

0

Pinag bakasyon ni  Interior Secretary Benjamin Abalos Jr. ang dalawang police general at ilan pang mga pulis kaugnay sa isinagawang fact-finding investigation ng National Police Commission hinggil sa nawalang 990 kilo ng shabu na nakumpiska sa drug raid noong Oktubre ng nakaraang taon.

Aniya, kung hindi magsampa ng leave ay sususpindihin niya ang mga ito.

“Ang fact-finding board ay kumuha ng mga testimonya ng ilang personalidad at batay dito at sa iba pang mga ebidensya… sa ilalim ng pag-aari ng board, ipinapakita nito na talagang may malawakang pagtatangka upang pagtakpan ang pag-aresto kay Mayo,” ayon kay Abalos.

“Mag leave na lang muna sila pending investigation if not they will be suspended,” dagdag pa ng Interior chief kung saan binigyan niya niya ng ultimatum ang mga ito ng hanggang ngayong linggo lamang.

Kinilala naman ang mga pulis na pinagli-leave na sina Police Lt. Gen. Benjamin Santos, dating PNP deputy chief for operations; Police Brig. Gen. Narciso Domingo, ang hepe ng PNP Drug Enforcement Group; Police Colonel Julian Olonan, ang hepe ng PDEG Special Operations Unit sa Region 4A; Si Police Lt. Col. Glenn Gonzales ng Quezon City Police District; Police Lt. Col. Arnulfo Ibañez, officer in charge ng PDEG SOU sa NCR; Police Major Michael Angelo Salmingo, deputy ng PDEG SOU NCR; Jonathan Sosongco, pinuno ng PDEG SOU 4A arrest team; Police Lt. Ashrap Amerol, intelligence officer ng PDEG Intelligence at Foreign Liaison Division; Police Lt. Col. Harry Lorenzo station commander ng Manila Police District sa Moriones; at Police Capt, Randolph Piñon, hepe ng PDEG SOU 4A Intelligence Section.

Iniharap ni Abalos sa media ang CCTV footage, na nagpakita kay Mayo na nakaposas at pagkatapos ay pinakawalan.

Ang video ay nagpakita rin ng mga opisyal ng pulisya na dumarating at umaalis sa lugar ng isang establisyimento kung saan naroon si Mayo.

Mula noon ay inaresto at tinanggal sa serbisyo si Mayo.

Ipinahayag ni Abalos na naniniwala siya na may mga pulis na sangkot.

Plantasyon ng Marijuana nadiskubre sa Quezon

0

Calauag, Quezon. Nilusob ng mga tauhan ng  Quezon provincial drug enforcement team, Quezon police mobile force at ng Philippine Army ang isang taniman ng Marijuana sa isang liblib na lugar sa bayang ito kamakalawa.

Ayon sa ulat ni Col. Ledon Monte, Quezon Provincial Police Office chief  Police chief na 51 gramo ng marijuana ang  nakumpiska sa operasyon at 670 na mga bagong tanim na marijuana ang binunot at sinira ng raiding team.

Sa isinagawang raid, nahuli ang tatlong plantation worker na sina Johnny Escarpe, Edward Cometa at Christian Angelo Cometa, mga tubong Tabaco, Albay at Toledo Cebu.

Ayon sa pahayag ng mga nadakip, ang plantasyon ay pag aari ng isang Jayar Ogdoc Cometa, alias Migu na ayon sa kanila ay nasa Bangkok, Thailand.

Isang informant ang nag tip sa himpilan ng pulisya tungkol sa diumano ay pag aani ng marijuana sa Bantolinao, ayon kay  Police Major Milo Tabernilla, hepe ng Calauag Municipal Police Station.

Bukod sa mga buhay na puno ng mga marijuana, kinumpiska din ang mga tuyong dahon ng Marijuana na nakalagay na sa mga plastic container at may street value na 15,800 pesos.

Ang mga suspects ay dinala sa Quezon Provincial Police Office at nakatakdang humarap sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Dangerous Drug Act of 2002.

Alternative fishing grounds para sa apektado ng oil spill, tinukoy

Calapan, Oriental Mindoro. Pwede nang mamalakaya ang mga mangingisda ng Oriental Mindoro na naapektuhan ng fishing ban dahil sa oil spill.

Tinukoy ni Oriental Mindoro Governor Humerlito Dolor ang mga lugar na pwedeng magsilbing alternative fishing grounds habang umiiral pa rin ang ban sa mga bahagi ng karagatan na apektado pa rin ng langis.

Ibinahagi ni Dolor ang impormasyon mula sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) na puwedeng magsilbing alternative fishing ground ng mga commercial vessels ang Mindoro Strait, Cuyo Pass sa Palawan, Tablas Strait sa Romblon at Tayabas Bay sa Quezon province.

Ang maliliit na bangkang pangisda naman ay maaaring maglayag sa Paluan, Abra de Ilog, San Jose at Magsaysay sa Occidental Mindoro at sa Marinduque area.

Magbibigay ng fuel subsidy ang gobyerno sa mga mangingisda ngunit hindi pa alam sa ngayon kung magkano, ayon kay Interior and Local Government Secretary Benhur Abalos. Nakikipag-ugnayan na rin ang Department of the Interior and Local Government sa mga lalawigang sakop ng mga binanggit na alternatibong fishing ground.

“What we will do, we will coordinate now with different governors ‘yun sa request, I’m sure papayag naman ‘yon,”ayon kay Abalos.

Baby na idiniklarang patay, nabuhay

Pandi, Bulacan. Nadiskubreng buhay pa pala ng isang ama ang kanyang sanggol na idineklarang patay matapos hindi humihinga ng iniluwal sa isang ospital sa lalawigang ito.

Dahil dito, nanawagan ng hustisya ang ina na si Jennifer Martinez, residente ng Pandi na na-admit noong Abril 2, 2023 at namatayan ng premature baby girl sa isang hindi muna pinangalanang ospital.

Ayon kay Jennifer, idineklarang patay ang kanyang babaeng sanggol na kulang sa pitong buwan dahil hindi raw ito umiiyak at humihinga ng ipanganak ito.

Sinabi ng doktor diumano sa kanyang mister na kumuha ng kahon para paglagyan ng sanggol subalit napansin ng ama na dalawang beses itong nag buntong hininga.

Agad inireport ng ama sa doktor ang paghinga subalit sinabihan siya ng doktor at nurse na guni-guni lamang niya iyon at namalikmata lamang siya dahil walang nabubuhay na sanggol na sobrang liit.

Sa tulong ng hipag ni Jennifer, inuwi nila ang sanggol sa kanilang bahay para ilibing subalit nang silipin ay nakitaan nila ng malakas na heartbeat ito kasabay ng pag-iyak.

Ibinalik nila ang sanggol sa ospital, ayon sa pamilya ni Jennifer na nangailangan ng incubator subalit walang makuha mula sa kalapit ospital at Maynila.

Pasado alas otso ng gabi ng sinabihan sila ng doktor na tanging sa Cabanatuan  lamang umano ang kumpleto sa kagamitan gaya ng incubator ngunit biglang nanghina ang sanggol hanggang sa binawian na ng buhay.

Sa kasalukuyan, sinabi ni Jennifer na bukod sa blotter sa barangay ay hindi pa nila alam ang kanilang gagawin ngunit ayon sa kanya ay inilalapit na ng pamilya kay Senador Raffy Tulfo ang kaso at umaasang matutulungan sila.

Habang isinusulat ito ay sinusubukang kunin ang panig ng mga tinurang doktor at nurse.