Sta. Cruz, Laguna. Tumanggap ng 2022 Gawad Kalasag (KAlamidad at Sakuna LAbanan SAriling Galing ang Kaligtasan) Seal of Excellence ang lalawigan ng Laguna sa 22nd Gawad Kalasag Seal for Local DRRM Council and Offices na ginanap sa Manila Hotel kahapon, Disyembre 07, 2022.
Tinanggap ni Gobernador Ramil Hernandez ang parangal na ‘Beyond Compliant’ kasama si Aldwin Cejo ng Laguna PDRRMO.
Ang nabanggit na parangal ay bilang pagkilala sa husay at galing sa pagseserbisyo at sa pagsisikap na maitaas ang antas ng serbisyo publiko sa lalawigan sa panahon ng krisis at kalamidad.
Labinlimang Local government unit (LGU) ng Laguna ang umani ng 2022 Gawad Kalasag Seal na iginawad ng National Disaster Risk Reduction and Management Council at ng Department of the Interior and Local Government (DILG). Basahin ang mga detalye sa: https://l.facebook.com/l.php

