Lalaki nakitang patay sa kanyang bahay sa Cavite

0
76

NAIC, Cavite. Natagpuan ang bangkay ng isang 49-anyos na lalaki na may tama ng bala sa loob ng kanyang tahanan sa Barangay Ibayo Estacion, bayang ito.

Kinilala ang biktima na si “Alvin,” na naninirahan sa Sitio Munting Paraiso, Barangay Ibayo Estacion.

Batay sa salaysay ng isang saksi, narinig niya ang pagtahol ng aso mula sa bahay ng biktima bandang alas-4:30 ng hapon. Nang puntahan nila at buksan ang bahay, natagpuan nila ang bangkay ng biktima.

Agad niyang tinawagan ang mga kaanak ng biktima sa pag aakalang inatake sa puso ang biktima, subalit noong buhatin ito ay tumulo ang dugo at natuklasang may mga tama ng bala sa katawan.

Sa kasalukuyan, iniimbestigahan ng mga awtoridad ang mga kuha mula sa mga Closed Circuit Television (CCTV) upang matukoy ang salarin sa pagpatay.

Author profile
Arman B. Cambe

Si Arman B. Cambe ay naging ABS-CBN news correspondent noong 1987-1989. Naging provincial correspondent ng Headline news, isang national daily tabloid at 10 taong naging Laguna broadcast correspondent ng Radio Veritas. Contributor din siya sa loob ng 5 taon sa Peoples Journal group of companies. Naging Professor ng Journalism at Broadcasting ng 15 taon sa Laguna State Polytechnic University, Sta. Cruz Campus at 5 taon na naging Teacher exchange scholar sa Don Bosco at St. Dominic Institute sa Bangkok, Thailand.

We appreciate your thoughts. Please leave a comment.