DAVAO ORIENTAL — Huli sa akto ang isang binatilyo habang “hinahalay” ang isang baboy sa gitna ng kabukiran sa isang barangay sa Davao Oriental. Kumalat sa social media ang video na ini-upload sa Instagram ni Raymart Gil, kung saan makikitang nasa madamong bahagi ng bukid ang lalaki at ang baboy.
Ayon sa video, habang ginagawa ang nasabing krimen, napansin ng binatilyo na siya ay kinukunan at agad huminto sa kanyang ginagawa. Yumuko siya nang bahagya at pinulot ang kanyang mga gamit, bago mabilis na tumakbo palayo habang bahagyang nakababa ang kanyang shorts.
Ang insidente ay nagdulot ng galit at pagkondena ng mga netizens, lalo na’t pinaniniwalaang menor de edad ang lalaki. Sa comments section, may ilang humiling na huwag na ipakalat o i-share ang video upang hindi lalong ma-trauma o ma-stigmatize ang nasasangkot na kabataan.
Base sa Republic Act No. 8485 o Animal Welfare Act of 1998, ipinagbabawal ang anumang uri ng pang-aabuso sa hayop, kabilang ang mga sexual abuse acts, kaya’t ang pakikipagtalik sa hayop ay ilegal at may kaakibat na parusa.
Ayon sa mental-health research, ang ganitong uri ng sexual behavior ay tinatawag na zoophilia, isang paraphilic disorder na naglalarawan ng matagal at persistent na interes sa hayop. Hindi ito itinuturing na sexual orientation, at kadalasan ay kaugnay ng iba pang psychological issues o problema sa impulse control. Pinapayuhan ng mga eksperto na ang mga indibidwal na may ganitong gawi ay dapat sumailalim sa confidential mental-health evaluation at therapy upang maiwasan ang karagdagang pinsala sa sarili at sa hayop.

Arman B. Cambe
Si Arman B. Cambe ay naging ABS-CBN news correspondent noong 1987-1989. Naging provincial correspondent ng Headline news, isang national daily tabloid at 10 taong naging Laguna broadcast correspondent ng Radio Veritas. Contributor din siya sa loob ng 5 taon sa Peoples Journal group of companies. Naging Professor ng Journalism at Broadcasting ng 15 taon sa Laguna State Polytechnic University, Sta. Cruz Campus at 5 taon na naging Teacher exchange scholar sa Don Bosco at St. Dominic Institute sa Bangkok, Thailand.





