4 patay sa election related encounter sa Ilocos Sur

0
463

Apat ang patay matapos ang isang insidente ng engkwentro sa pagitan ng mga bodyguard ng dalawang tumatakbo sa pagka mayor sa Sitio Danglas, Brgy. Labut, Magsingal, Ilocos Sur Sabado ng umaga.

Kinilala ang mga nasawi na sina Lerryphol Torda at Bagani Recto, samantalang inaalam pa ng pulisya ang pagkakakilanlan sa dalawang pang namatay.

Ayon sa ulat, dead on the spot ang dalawa, samantalang binawian naman ng buhay ang dalawa pa habang nasa ospital.

Ayon sa salaysay sa pulisya ng isang grupo ng kasangkot sa engkwentro, nagsasagawa ng vote buying ang ilang chairman sa lugar na pinag ugatan ng matinding barilan.

Samantala, nagsasagawa pa ng imbestigasyon ang Magsingal Municipal Police Station kaugnay ng nangyaring engkwentro at barilan.

Author profile
Arman B. Cambe

Si Arman B. Cambe ay naging ABS-CBN news correspondent noong 1987-1989. Naging provincial correspondent ng Headline news, isang national daily tabloid at 10 taong naging Laguna broadcast correspondent ng Radio Veritas. Contributor din siya sa loob ng 5 taon sa Peoples Journal group of companies. Naging Professor ng Journalism at Broadcasting ng 15 taon sa Laguna State Polytechnic University, Sta. Cruz Campus at 5 taon na naging Teacher exchange scholar sa Don Bosco at St. Dominic Institute sa Bangkok, Thailand.